Rejoicing si Mother Lily Monteverde dahil nadagdagan ang mga sinehan ng Shake, Rattle & Roll XV dahil maganda ang reviews sa pelikula na official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bukod sa word of mouth, nakatulong din sa Shake, Rattle & Roll XV ang endorsement ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Malaki ang pasasalamat ni Mother Lily kay Mama Vi na hindi nagdalawang isip na i-endorse sa moviegoers ang horror movie ng Regal Entertainment Inc. Ipinarating ni Mother kay Mama Vi ang kanyang taos-puso na pasasalamat:
“Hi Ate Vi! Thank you very much for endorsing my movie, Shake Rattle & Roll XV. The receipts are very good in spite of the fact that we only had 59 cinemas unlike other movies such as Praybeyt Benjamin of Vice, Feng Shui, Bossing that had more than 100 cinemas each for their movies but I still believe your endorsement of Shake is very effective.
“Honestly, a million thanks to my dear Ate Vi. I love you very very much. You are a genuine friend! I congratulate all my fellow producers to this year’s Metro Manila Film Fest. All the movies are getting good audiences. Happy New Year to all. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!”
Yasmien nabitin sa bakasyon kasama ang Lebanese na ama
Feeling sad si Yasmien Kurdi dahil sandali lamang ang Christmas vacation nila ng kanyang pamilya sa Kuwait.
Ang sey ni Yasmien, siguradong mami-miss niya ang kanyang tatay na si Mohammad at ang mga kamag-anak nila sa Kuwait.
Nasorpresa ang ama ni Yasmien sa pagdalaw nito sa Kuwait. Kasama ni Yasmien ang mister na si Rey at ang kanilang anak na si Ayesha na parehong first time na nakilala nang personal ng tatay niya.
Guwapo ang Lebanese father ni Yasmien at perfect ang kumbinasyon nila ng ina ng aktres kaya lumabas na maganda ang kanilang anak.
Matagal din na hindi nagkita si Yasmien at ang tatay nito kaya sinulit nila nang husto ang sandaling pagsasama sa Kuwait.
Pelikula nina Vic at Ryzza Mae lampas dalawang oras
Kahapon ko lang nalaman na more than two hours pala ang running time ng My Big Bossing kaya ito ang pinakamahaba sa walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2014.
Sulit na sulit pala talaga ang ibinayad at ang ibabayad ng mga manonood ng pelikula nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.
One hour and forty minutes ang normal running time ng mga pelikula at dahil isang trilogy movie ang My Big Bossing, lampas sa dalawang oras ang haba ng filmfest entry nina Bossing at Ryzza Mae na pinipilahan sa takilya.
Nanay ni Charice payag nang patali ang anak sa GF
Matapos magpakasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño, balak na rin nina Charice Pempengco at Alyssa Quijano na lumagay sa tahimik.
Kung matatandaan ninyo, nauna si Charice na magpralala na pakakasalan niya ang kanyang girlfriend at dahil daig ng maagap ang masipag, naunahan pa sila nina Liza at Aiza.
Kasundo na nina Charice at Alyssa si Raquel Pempengco, ang ina ng tomboyitang singer. Malaya nang makapagpapakasal ang dalawa dahil wala nang hadlang sa pagmamahalan nila.
Puwede nang hingin nina Charice at Alyssa ang pahintulot ni Raquel para matuloy na ang kanilang pag-iisang dibdib.
Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon dahil naging ordinary topic na lang ang same sex marriage na hindi pa rin tanggap at legal sa Pilipinas.