Talagang walang makakapigil sa kagustuhan ng bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Diño na magkaro’n ng sarili nilang anak. Kaya kahit ano’ng makabagong paraan ng siyensya at medisina ay pilit nilang susuungin para ito matupad. At tiyak na malaki ang gagastusin nila.
I wish them luck. Walang masama sa pinapangarap nila.
Pagta-taxi ni Donita ‘wag nang gawing intriga
Eh ano kung nagta-taxi lang si Donita Rose? Kahit naman sa bus lang o sa jeepney siya sumasakay ay okay lang.
Kaya huwag n’yo na siyang intrigahin.
Saan man siya sumakay, hindi na mababago ang status niya.
Paulo ano’ng say mo?
LJ pinag-aagawan nina JC at Renz
Ang haba-haba naman ng buhok ni LJ Reyes. Dala-dalawa ang nag-aagawan sa puso niya - sina JC de Vera at Renz Fernandez. Sino kaya sa kanila ang magtatagumpay sa aktres? Ano kaya ang say dito ni Paulo Avelino na tila nagkaprobema naman sa nililigawan niyang si KC Concepcion?
Angel magiging misis na sa 2015?!
Mukhang maganda ang ibinabadya ng 2015 sa magkarelasyong Luis Manzano at Angel Locsin kung totoong engagement ring ang Christmas gift ng TV host sa aktres. Aba, maganda kung ang marriage proposal ni Angel ay mangyayari ngayong Christmas season.
Aba, madaliin n’yo na! Ang bilis ng takbo ng panahon. Pahuhuli pa ba kayo?