Salarin nakunan ng camera, kasambahay na nabiktima ng dugu-dugo hindi pinalayas ni Agot
Natuto na si Agot Isidro pagkatapos mabiktima ng Dugu-dugo Gang courtesy of her kasambahay. Kumuha na ng security guard sa kanyang bahay ang aktres na hindi lang bahay ang babantayan, pati na ang mga kasambahay lalo na ‘yung nagpahamak kay Agot.
Hindi pinaalis ang kasambahay na nabiktima na sabi nga ni Agot “bad people” habang on going ang investigation. May mga natuklasan ang mga imbistigador at ang maganda, nakunan ng video ang taong pinagbigyan ng kasambahay ni Agot ng pera at mga alahas nito.
Nakakaloka dahil magkaharap lang pala ang bahay nina Agot at isa niyang kapatid, hindi man lang naisip ng kasambahay na sabihin sa Ate ni Agot ang natanggap na tawag.
Ang mga kaibigan ni Agot ang nanghihinayang sa mga alahas na nawala sa kanya worth P3M dahil alam nilang ang iba doon ay 20 years pinaghirapang ipunin ni Agot. Tuwing nakakatanggap ng talent fee at ‘pag may pera siya, bumibili ng alahas tapos mawawala lang pala.
Parang nag-usap
Carla at Geoff sabay nagkasakit!
Sabay na nagkasakit ang mag-ex na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, pareho silang may pinost na pictures sa Instagram (IG) ng braso nila na may suhero. Kung anu-ano tuloy ang comment ng kanilang followers na ang iba nakakatawa at ang iba’y nang-iinis lang.
Hindi sinabi ni Carla kung ano ang sakit niya at ganu’n din si Geoff, basta may sakit sila. Kung pina-follow pa nila ang isa’t isa sa IG, matatawa rin ang dalawa sa pareho nilang pinost na picture at sabay silang nagkasakit.
Mabuti at stop muna ang taping ni Geoff ng Kailan Ba Tama ang Mali? At sa January 2015 na ang resume. Makakapagpahinga pa siya paggaling niya. Si Geoff ang bida sa Afternoon Prime kasama sina Max Collins, Dion Ignacio, at Empress Schuck.
Sugo ginagawan ng sariling set!
Tama ba ang narinig namin na kaya hindi pa masimulan ang shooting ng Sugo dahil kinu-construct pa ang set na nasa likod ng Philippine Arena sa Bulacan? Plano raw ng mga producer, kahit tapos na ang shooting, hindi sisirain ang set at gagawing tourist attraction.
Malaking pelikula ang Sugo at malalaking artista ang kasama sa cast. Ilang beses nang nagpalit ng cast at napalitan na rin ang director, pero itutuloy pa rin ang pelikula na special project ng Iglesia ni Cristo kaya kailangan pulido sa lahat ng aspeto. Ang dinig namin, ang Viva Films ang makakatulong ng INC sa paggawa ng Sugo.
Makakatulong ang pagkabalam sa shooting ng pelikula sa isa sa male cast na hindi pa puwedeng ipaalam na kasama siya sa cast dahil hindi pa nag-i-expire ang kontrata sa isang film company. Hindi pa raw nakakapagpaalam sa producer ang aktor na gagawin niya ang Sugo.
Regine handa na ang damit sa royal wedding
Nakakatuwa si Regine Velasquez dahil kahit nasa Australia, tumutulong sa pagpo-promote ng Kubot: The Awang Chronicles na ang bida at isa sa mga producers ay ang aanakin niya sa kasal na si Dingdong Dantes.
Pinost ni Regine sa Instagram (IG) ang poster ng Metro Mania Film Festival o MMFF entry at ni-remind ang followers niya na panoorin ang pelikula. For sure, ikatutuwa ni Dingdong ang gesture na ito ng kanyang “Ninang Regine.”
Also, pinost din ni Regine ang sketch ng gown niya na isusuot sa wedding nina Dingdong at Marian Rivera sa December 30. Si Cary Santiago pala ang gumawa ng gown niya.
Incidentally, mabuti pala at walang nag-leak sa winners sa Grand Finals ng Bet ng Bayan hosted by Regine and Alden Richards. Na-taped na ang final episode bago umalis sina Regine, Ogie Alcasid, at anak nilang si Nate at sa Dec. 28 pa ang airing ng episode kung saan i-a-announce ang winners sa Bet sa Kantahan, Bet sa Sayawan at Bet sa Kakaibang Talento.
- Latest