^

PSN Showbiz

KC ikinagulat ang ‘pagpasok’ ni Sharon sa pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan ngayon na pinaghahandaan na raw ni Sharon Cuneta ang pagsabak sa pulitika. Ang tiyuhin daw ng aktres na si Senator Tito Sotto diumano ang kumukumbinsi sa Megastar upang tumakbo sa pagka-Alkalde ng Pasay sa 2016 national elections. Matatandaang matagal ding nanungkulan ang ama ni Sharon na si Mayor Pablo Cuneta sa Pasay noong nabubuhay pa ito.

Ikinagulat naman ng panganay na anak ng aktres na si KC Concepcion nang mabalitaan ito. “Si Mama? Mayor? Stress siya sa ganoon. Parang wala pa kaming pinag-uusapan about that. Siguro, if ever parang magiging malaking diskusyon ‘yon sa family. Thank you for the information,” nakangiting pahayag ni KC.

Walang ginagawang proyekto ngayon ang Megastar kaya maraming mga tagahanga ang nag-aabang sa muling pagbabalik-showbiz ng aktres. “Pumapayat, sume-sexy, at gumaganda pa rin. Para na-realize niya kung ano ang ikagaganda pa niya,” pagbabahagi ni KC.

Samantala, simula sa January 5 ay mapapanood si KC sa Give Love on Christmas Presents Exchange Gift. Makakatambal ng aktres sa nasabing Christmas serye ang napababalitang kasintahan na si Paulo Avelino. Ito ang pangalawang pagkakataon na magkakatambal sina KC at Paulo sa telebisyon pagkatapos magkasama sa Maalaala Mo Kaya tatlong taon na ang nakakaraan.

Derek flight attendant ang bagong idini-date?!

Isang flight attendant raw ng Philippine Airlines ang bagong idini-date ni Derek Ramsay ngayon. Ayon naman sa aktor ay wala raw katotohanan ang balitang ito kaya malamig pa rin ang kanyang Christmas break. “Walang kayakap eh, but no, I’m not dating anyone from Philippine Airlines,” giit ni Derek.

Hindi pa raw nakahandang pumasok ang aktor sa isang bagong relasyon kaya ang trabaho at pamilya ang kanyang pinagtutuunan ng panahon. “Siguro ‘yung love life ko on hold. Yes, I’m dating pero uunahin ko na lang muna ‘yung career ko. My contract is coming to an end in a few months and I really have to make major decisions in the next few months,” makahulugang pahayag ni Derek.

Kung sakaling magkakaron ng bagong kasintahan ay gusto raw sana ng aktor na maging pribado na lamang ang kanilang magiging relasyon. “I’m a sucker for love but I never give up on it. I am the type of guy na hindi ko matatago ‘yan kasi makikita n’yo,” pahayag ng aktor.

Ilang taong naging magkasintahan sina Derek at Angelica Panganiban at matatandaang nakarelasyon din ni Derek si Cristine Reyes noong isang taon. Naging kontrobersyal din ang pagsasampa ng kasong concubinage laban kay Derek ng sinasa­bing asawa ng aktor na si Mary Christine Jolly ilang buwan na ang nakalilipas. Reports from JAMES C. CANTOS

 

ANGELICA PANGANIBAN

CHRISTMAS PRESENTS EXCHANGE GIFT

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

GIVE LOVE

MAALAALA MO KAYA

MARY CHRISTINE JOLLY

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with