Tatlong entries sa MMFF pinilahan agad-agad!

MANILA, Philippines - May ilang bali-balita na kahapon kung sino ang pinipilahang sine sa eight official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Pero wala pang feedback from Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya hindi pa ma-assume kung ano ang trending.

Pero pasasaan ba’t baka ngayong araw na ito ay alam na kung sino ang magna-no. 1.

Basta ang sabi ng saksi, pare-pareho ang pila kahapon ng tatlong pelikulang kasali at sila ang hinuhulaang mag-uunahan sa takilya. Pambata raw kasi ang tatlong ito kaya dagsa ang mga bagets sa sinehan na may mga datung mula sa mga pinamaskuhan.

Maganda rin ang panahon kahapon kaya nakalabas ang karamihan.

TV5 may artista search sa pagsalubong sa 2015

Maagang saya ang hatid ng TV5 sa lahat ng mga Kapatid ngayong 2015 dala ang New Year artista search na magiging part ng Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown.

Inaanyayahan ang lahat na gustong maging artista na subukan ang kanilang pagkakataon at sumugod sa Quezon Memorial Circle sa darating na ika-31 ng Disyembre para mag-audition. Pwedeng umarte, kumanta, sumayaw, magpatawa, o magpaganda at magpapogi lang – basta artistahin! Magsisimula ang registration sa ganap na alas-10 ng umaga.

Malay ninyo ito na ang taon ninyo.

Kaya huwag kalimutang pumorma at magdala ng kahit anong valid ID. May tsansa ring maging parte ang mga mag-o-audition sa main event ng mismong New Year countdown na magsisimula sa ganap na alas-10 ng gabi.

Ang grand artista search ay isa lamang sa mga pasabog na hatid ng TV5 at ng QC Government sa pinakamalaki at pinakaengrandeng New Year countdown sa bansa. May mga live band shows, street performances at LGBT parade din na gaganapin kasabay ng auditions. Meron pang mga palaro at mga sari-saring papremyong ipamimigay.

Pagsapit ng gabi, isang star-studded New Year special concert ang ihu-host nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Alice Dixson, at Derek Ramsay, na may mga live performances mula sa mga pinakasikat na Kapatid talents at iba pang special guests. Ilan lamang sa mga kumpirmadong artista sina Wendell Ramos, Empoy, Tuesday Vargas, Alwyn Uytingco, Martin Escudero, Katrina “Suklay Diva” Velarde, Tom Taus, Akihiro Blanco, Chris Leonardo, Alberto Bruno, Marvelous Alejo, Chadleen, Talentadong Pinoy 2014 Ultimate Talentado Neil ,at iba pang Hall of Famers, Philippine All Stars, Ritz Azul, Mark Neumann, Isabelle De Leon, Carl Guevarra, Gab Valenciano, Jasmine Curtis-Smith, at si Ms. Kuh Ledesma.

‘Di rin dapat palampasin dahil sila raw ang may pinakamahaba at pinakabonggang New Year pyro-musical display at 3D mapping show sa mismong pylon sa gitna ng Quezon Memorial Circle.

Ang Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown ay ipalalabas din ng live and exclusive sa TV5 simula 10:30 p.m. Ang event na ito ay handog ng PLDT Home, at sinusuportahan ng Meralco, Smart Sulit IDD, Sunsilk, at ng Tanduay Rhum. 

Miss Beauche coronation night magarbo pa sa Binibining Pilipinas

Parang Binibining Pilipinas ang ginanap na coronation night ng Miss Beauche. In fairness, magarbo nila itong nairaos last Saturday sa Manila Hotel.

Ito ang second year ng Miss Beauche (beauty products). Ayon kay Ms. Odessa Krisna Ordoñez, Beauche International Sales and Marke­ting representative, nag­libot sila sa buong bansa para makahanap ng mga rumampang kandidata. Magaganda kasi sila at mga kolehiyala kaya talagang patalbugan sila. ‘Yun nga lang, nagkatalunan sa question and answer portion.

Ang nagwagi ay ang 4th year tourism student from University of Baguio na si Kemberle Mae Penchon.

Ang iba pang nanalo (na nasa photo from left to right) Miss Mindanao 2014 Razia Zahara Dilangalen; Miss Beauche Tourism Darlene Hipolito; Ms. Gloria Diaz (chairman of the board of judges) and judge Francisco delos Reyes, Ms. Beauche 2014 Kemberle; Hon. Conchita delos Reyes; Anne Mabel Decena, Ms. Beauche 2013; Ms. Luzon 2014 Mijo Shibata, Ms. Beauche Visayas Aiko Rachelle Tuazon.                                                                   

 

Show comments