MANILA, Philippines – Pinakamalalaki at maningning na Kapamilya stars ang nakisaya sa nakalipas na ABS-CBN Regional trade event na tinawag na Galing Lokal upang magbigay pasalamat sa advertisers na patuloy na sumusuporta sa Kapamilya regional programs sa buong bansa.
“Through our Kapamilya programs, we look forward to your continuing support to provide our Kapamilya from regional areas entertainment and enjoyment,” said Atty. Abigail Querubin-Aquino, head of ABS-CBN Regional.
Pinakilig naman ni Enchong Dee ang lahat ng dumalo sa kanyang pag-awit ng awitin mula sa latest album niyang Chinito Problems, kasama ang kapamilya heartthrobs na sila Matteo Guidicelli, Carlo Aquino, Arron Villaflor, at Joem Bascon na naghatid din ng romantic songs.
Naghatid kasihayan rin sa pagdiriwang ang Kapamilya leading ladies na sina Bea Alonzo, Julia Barretto, at Shaina Magdayao. Samantala, inawit naman ni KZ Tandingan ang Best Song sa 2014 Himig Handog P-Pop Love Songs na Mahal Ko o Mahal Ako.
Nakisaya rin ang dating Pinoy Big Brother housemates na sina Jane Oineza, Myrtle Sarrosa, Karen Reyes, Fourth Pagotan, Joshua Garcia, at Vickie Rushton.
Pinangunahan din ng ABS-CBN Regional’s hosts mula sa Baguio, Davao, Naga, at Dagupan na sina Kiko Villalba, Claudette Centeno, DJ Ham Milby, Cris Zuniga, Dominique Lagrimas, at Phoebe Kaye Fernandez.
Nagkaroon din ng pagkakataon na maglaro ang mga advertisers sa segment derived ng programang Kapamilya Mas Winner Ka, bilang longest-running interactive game show na ipinalalabas sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao tuwing Sabado ng umaga. Sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Regional, ang programa ay naglalayon na magbigay ng pagkakataon sa mga lokal ay may layunin na magbigay ng kasiyahan, papremyo, at impormasyon.
Bukod sa Kapamilya Mas Winner Ka, inihahatid din ng ABS-CBN Regional ang Mag TV Na sa iba’t ibang provincial stations upang magsilbi sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino at maitaguyod ang kultura at pamumuhay ng mga Kapamilya sa iba’t ibang lokal.
Napapanahon at mahahalagang impormasyon naman ang hatid ng ABS-CBN’s flagship newscast na TV Patrol na may layunin na mabot ng impormasyon ang mga manonood sa iba’t bang rehiyon ng bansa.