Tama lang si Daniel Matsunaga na maging kaibigan na lang si Kris Aquino. Totoong mahirap sabayan ang presidential sister sa kanyang buhay. Kung napakaraming responsibilidad nito, ganun din ang magiging katuwang nitong lalaki sa buhay. Kung mahina-hina ang lalaki ay mapag-iiwanan niya ito. Wise decision na maging friends na lang sila.
Pauleen biglang tinabangan sa kasal
Kung saan naman puwede nang ipakita ni Pauleen Luna ang kanyang excitement dahil unti-unti nang ipinamamalas ni Bossing Vic ang kanyang pagsang-ayon sa muling pag-aasawa, saka naman parang hindi siya interesado. Lahat ng mga tanong na ibinabato sa kanya ng press tungkol dito ay parang non-commital siya. Ano ba, Poleng, magpakita ka naman ng interes!
Marian sa bahay na lang maglalagi pagkakasal
I’m sure ninenerbyos na si Marian Rivera dahil hayan at abot-kamay na lang niya ang kasal nila ni Dingdong Dantes. Kung ang kampo ng dalawang ikakasal ay nagbubunyi, laking pag-aalala naman ng mga tagahanga nila na baka pumirme na ng bahay ang magandang aktres at hindi na mag-artista. Tiyak mami-miss nila ito. Pero sa ikabubuti at ikatatahimik ng buhay ng kanilang idolo ay susuportahan nila. Ganito ang mga fans, supportive at positive.
Andi may problema sa bagong boyfriend
Ngayong napalitan na ni Andi Eigenmann sa puso niya ang anak ni Erap na si Jake, tila may problema na naman siya dahil hindi gusto ng magulang niya’t kapatid ang bago niyang nobyo. Problema nga naman!