Masasabi raw ni Charice Pempengco na ito na ang pinakamasaya niyang Pasko dahil muling nabuo ang kanyang pamilya mula nang matanggap nila ang relasyon ng singer kay Alyssa Quijano. “Best Christmas dahil buo ang pamilya sa side ko, at sa side niya (Alyssa). Parang panaginip po talaga, especially palagi naming pinagpi-pray halos every night mula noong naging independent kaming dalawa ni Alyssa sa States. So talagang God’s gift,” nakangiting pahayag ni Charice.
Samantala, masaya raw ang singer para sa kaibigang si Aiza Seguerra na nagpakasal kay Liza Diño noong December 9 sa California. Inspired daw si Charice sa pagpapakasal ng dalawa. “Inspired pero that doesn’t mean na kinabukasan ay magpo-propose na ako. I always say po na kahit na wala pa sa amin ‘yung word na marriage, nandoon na ‘yung feeling na settled na kaming dalawa ni Alyssa po. We live together kasi po,” paliwanag ni Charice
Hindi pa sumasagi sa isip ng singer ang pagpapakasal lalo pa’t 22 years old pa lamang silang dalawa ni Alyssa. “Nandoon din ‘yung feeling na marami pa kaming kailangang gawin at kailangan pang maabot sa buhay,” giit ng singer.
Kahit si Jasmine ang katambal Daniel suportado ni Kathryn sa Bonifacio
Simula ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Bonifacio, Ang Unang Pangulo na pinagbibidahan nina Robin at Daniel Padilla. Masayang-masaya raw si Daniel dahil suportado rin siya ni Kathryn Bernardo sa nasabing proyekto kahit hindi sila magkatambal dito. “Siyempre naman talagang proud si Kathryn. Kaya nga bakit hindi natin gayahin si Kathryn? Bakit ‘di na lang tayo maging proud dito?” bungad ni Daniel.
Malaki rin ang pasasalamat ng binata sa lahat ng tagahanga ng KathNiel na patuloy pa rin nakasuporta kahit hindi magkatambal sina Daniel at Kathryn sa pelikula. “Si Kathryn, talagang happy siya para sa movie na Bonifacio dahil para sa ating lahat ito. Ako, very happy dahil sinusuportahan niya. I-enjoy lang ho natin ang palabas. Si Kathryn, talagang happy siya sa project ko. Ako naman siyempre very happy dahil sa suporta niya sa akin,” pagbabahagi ng aktor.
Hindi raw pipilitin ni Daniel ang mga manonood na tangkilikin ang kanilang pelikula. “Kung ayaw nila, eh ‘di huwag nila. Hindi ko ho sila pinipilit,” makahulugang pahayag ni Daniel. Kasama rin ng binata sa pelikula ang amang si Rommel Padilla, kapatid sa ama na si RJ Padilla, Jasmine Curtis-Smith at Vina Morales.
Reports from JAMES C. CANTOS