^

PSN Showbiz

MMFF movies huhusgahan na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Moment of truth na sa mga pelikulang kasali sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF). Magkakaalaman na kung sino talaga ang mas may hatak sa walong kasali.

Sa eight official entries, tatlo ang Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) – Bonifacio : Ang Unang Pangulo, Feng Shui, and Kubot : The Aswang Chronicles. Meaning 100% tax rebate ang mga nasabing pelikula. Actually tax-free na ang mga pelikulang kasali sa MMFF. Magagamit lang nila ang nasabing rebate after the official 10-day run sa mga sinehan ng kanilang mga pelikula.

Kabilang naman sa mga binigyan ng B rating ng CEB ang English Only, Please, SRR XV, Muslim Magnum .357, at My Big Bossing.  ‘Pag B, 65% ang tax rebate na maa-apply din after the official exhibition ng mga pelikula sa MMFF.

Pero ‘pag hindi na-extend ang mga pelikulang kasali na nabigyan ng rating ng CEB, hindi nila pakikinabangan ang nasabing rebate.

I-wish natin na kumita ang walong pelikula dahil lahat ng producer ay gumastos para mapaganda ang kanilang mga produkto at hindi biro ang halaga ng bawat pelikula.

‘Wag lang sanang umulan tulad kahapon dahil oras na umulan, mara­ming tatamaring lumabas ng bahay at mababawasan ang mga dadagsa sa mga sinehan.

Anyway, maligayang Pasko sa lahat ng PSN readers.

Pelikula ni ER tribute sa 10th death anniversary ni FPJ

Ibang-iba ang hitsura ni ex-Gov. ER Ejercito sa pelikula niyang Muslim Magnum .357 na isa sa official entries ng MMFF. Parang plantsadong-plantsado ang aura ng dating go­vernador ng Laguna. Malamang nakapahinga siya matapos mawala sa puwesto. Pero medyo nag-gain ng weight si ER.

Anyway, FYI everyone. Ang Muslim Magnum .357 ay remake ng FPJ movie na may kaparehong title. At ayon sa press statement ni Gov. ER, tribute sa nag-iisang King of Philippine Movies in celebration of his 10th Death Anniversary ang Muslim Magnum .357. Tribute na rin daw ito sa three communities of Muslim Mindanao – 1. Maguindanao, 2. Tausog, and 3. Maranao.

Kaya naman sa ginanap na premiere night ng pelikula last Wednesday night sa SM Manila, jampacked ang sinehan ng mga kababayan nating Muslim na panay ang palakpakan sa mga eksenang maaksyon at kinikilig din sa mga eksena ni ER at Sam Pinto na gumaganap na Muslim Princess na kinidnap ng noto­rious syndicate. Pero bilang isang veteran police agent na kilala for his strong sense of justice, skills of doing undercover work, masusubukan ang kanyang (ER) galing sa paghanap sa sindikatong kumidnap kay Ameerah (Sam).

In fairness, ang gaganda ng mga isinuot na Muslim attire ni Sam sa pelikula at maaksyon talaga ang mga eksena.

Panglalaki ang target ng movie. Pero kung panonoorin ng buong Muslim community ng Pilipinas ang pelikula, malamang hindi sila mangulelat.

Sa kabuuan naman ng pelikula, makikitang gumastos talaga sila dahil pumunta sila sa Mindanao. Saka maganda naman ang cinematography at mga damit na suot ng mga character nila Sam, Gwen Garci at iba pang kasama sa pelikula.

Walang nakakausap kay ER sa ginanap na premiere night kaya walang chance ang mga nanood na tanungin kung bakit natagalan ang shooting nila at kung magkano ang ibinayad nilang multa.

ANG MUSLIM MAGNUM

ANG UNANG PANGULO

ASWANG CHRONICLES

CINEMA EVALUATION BOARD

MUSLIM

MUSLIM MAGNUM

PELIKULA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with