^

PSN Showbiz

Luis engagement ring ang Christmas gift kay Angel?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw magkakasama mamayang Noche Buena ang magkasintahang sina Luis Manzano at Angel Locsin dahil nasa kanya-kanyang mga pamilya sila. “Ang plano namin na it’s a given na sa 24th na mga kanya-kanyang family kami pero sa 25th 99.9% magkasama kami,” nakangiting bungad ni Luis.

Ano kaya ang regalo ng binata kay Angel ngayong Pasko? “Kung napapansin n’yo recently lumakas ang piso ha dahil sa nag-withdraw ako pambili ng regalo niya, nakalaban ang piso,” pabirong sagot ni Luis.

Posible kayang engagement ring na ang ibigay ng aktor kay Angel bukas kapag nagkita sila? “Puwede,” makahulugang sagot ng aktor. Matagal na ring pinag-uusapan sa show business ang planong pagpapakasal nina Luis at Angel. “Sabi ko basta ako nag-aantay din ako. Kasi isipin n’yo naman ibibigay ko ‘tong kagwapuhan ko, itong looks ko ‘tong ibibigay ko kaya konting effort naman,” pabirong pahayag ng binata.

Tom tumibay na ang relasyon kay Carla

Hindi materyal na bagay ang makapagbibigay ng kasiyahan kay Tom Rodriguez ngayong Kapaskuhan. Malaking bagay raw kung makapagbibigay ng kasiyahan ang aktor para sa ibang mga tao. “Kung may mareregalo ay ‘yun ay saya. Hindi materyal na bagay kundi saya. Kung pwede ako maging kaligayahan at kalusugan ay ibibigay ko ‘yun sa Tacloban at Samar, sa lahat ng nasalanta ng bagyo. Sana ‘yon ‘yung pwede maibigay sa kanila. I never expect gifts from anyone. Hindi ako gano’n eh, kahit no’ng bata pa ako. Kahit every year regalo sa akin ng pamilya ko sketch pad lang, napakasaya ko na. Kaya kahit anong i-gift sa akin, I’m not expecting kaya it will ba a surprise whatever it is,” paliwanag ni Tom.

Tubong Samar ang aktor kaya malapit sa puso niya ang probinsya.

Samantala, isang espesyal na regalo raw ang pinaghandaan ni Tom para kay Carla Abellana na sinasabing nakakamabutihan na ng aktor ngayon. “Siyempre I always have gifts for people who are close to me - in my life. There’s definitely a gift for her pero sa akin na lang muna ‘yun. It’s going to be very, very, very special. From her naman wala na eh, nare-receive ko na eh kung ano ‘yung kailangan ko sa kanya. Her company, her friendship, her support lagi,” nakangiting pahayag ni Tom.

Nasa ‘getting to know each other’ stage pa raw ngayon ang relasyon ng dalawa. “All the time naman. It’s an evolving thing and it’s always getting stronger and getting better. Well I’m not seeing anyone else and I don’t plan to. Mas tumitibay nga eh and sinasabi ko na wala nga akong ibang mas or nararamdaman na ganito kaespesyal na relationship, sa kanya lang,” pagtatapat ng binata.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANO

CARLA

CARLA ABELLANA

LUIS

SIYEMPRE I

TOM RODRIGUEZ

TUBONG SAMAR

WELL I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with