ABS-CBN, inilunsad ang thank you sa malasakit Pope Francis
MANILA, Philippines - Pasasalamat sa pagmamalasakit ni Pope Francis at ng mga Pilipino sa isa’t isa ang mensahe ng bagong kampanya ng ABS-CBN na Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas na inilunsad noong Martes (Dec 16) upang markahan ang 30 na araw bago ang pagdating ng Santo Papa sa bansa.
Sa Piyesta Para sa Santo Papa na inihanda ng Bayan Mo, iPatrol Mo sa La Consolacion College, hinikayat ng ABS-CBN ang bawat Pilipino na ibahagi ang kanilang mga mensahe ng pasasalamat kay Pope Francis sa pamamagitan ng nasabing kampanya.
Bukod sa pagdiriwang sa kanyang pagdating sa Enero, hinihimok din ng kampanya ang publiko na tularan ang mga itinuturo ng Santo Papa at magmalasakit sa iba.
Sa pamamagitan din ng paggamit ng opisyal na hashtag na #PopeTYSM (Pope Thank You Sa Malasakit) sa social media, maaaring ipadala ang kahit anong personal na mensahe, dasal, o tula para sa Santo Papa.
Maaaring mapasama ang ilang posts na ito sa Book of Thanks na ipaparating ng ABS-CBN kay Pope Francis.
Ang lahat naman ng posts sa Twitter at Facebook na may hashtag na #PopeTYSM ay makikita sa www.abs-cbnnews.com/popefrancisphwall.
Iikot din ang PopeTYSM booth sa mga piling lugar sa Pilipinas kung saan maaaring mag-record ng espesyal na thank you message para kay Pope Francis.
- Latest