Magandang bisitahin ang Instagram (IG) ni Robin Padilla dahil maraming malalaman sa buhay ni Andres Bonifacio at mga nangyari sa shooting ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Sa mga pino-post mi Robin, obvious na hindi lang siya artista sa pelikula, kasama rin siya sa nag-research sa buhay ni Bonifacio.
Pati ang technical aspect ng movie na hindi naitanong sa presscon, naibahagi ni Robin sa IG.
Nalaman namin na ‘yung eksenang paglusob nila sa mga kaaway at iwinawagayway niya ang bandila ng Katipunan ay ilang oras nilang ni-rehearse bago inaprunahan ni direk Enzo Williams.
Pinag-aralan ang tamang pagtakbo at tamang paghawak sa bandila at sabi ni Robin, hindi rin siya papayag na basta mairaos na lang ang eksena na parang isang action scene. Utang daw natin sa bandila ng Katipunan ang ating kalayaan.
Sa ending ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, ang nakita lang, pinatay si Andres ng mga Magdalo, pero may kuwento pa si Robin. Pinagputul-putol at pinaghiwalay daw ang katawan ni Bonifacio sa bawat humuli sa kanya at itinapon sa magkakahiwalay na lugar. Ang katawan naman ng kapatid ni Andres na si Procopio ay sinunog para hindi makilala at itinapon sa masukal na bangin.
Sa mga information na pino-post ni Robin, lalong minahal ng followers niya sa IG si Andres at nabuhay ang galit nila kay Emilio Aguinaldo.
Entry sa MMFF ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo at pakiusap ni Robin, unahing panoorin ang graded A movie.
Yasmien pagod at puyat nang lumipad pa-Kuwait
Magkasama nang nag-taping ng Yagit sina Yasmien Kurdi at Mark Herras, pero hindi pa rin sinabi ang role ni Mark at kung kailan lalabas ang karakter niya. Sa post ni Yasmien na “We miss you Jen (Jennylyn Mercado) at Buboy (Rainer Castillo), ipinapakitang close hanggang ngayon ang batch 1 ng StarStruck.
After ng taping kahapon, kahit pagod at puyat, masayang lilipad papuntang Kuwait sina Yasmien, ang asawa nito at anak para roon mag-Pasko kasama ang ama ng aktres. First time makikita ng ama ni Yasmien ang manugang at apo, kaya emotional si Yasmien.
Dederetso sa Dubai sina Yasmien at doon magnu-New Year kasama naman ang ama ng mister niya. Mahaba rin ang bakasyon ni Yasmien na bonding din nilang mag-anak.
Painting ni Carla na gawa ni Tom, naka-display sa opisina ng kanyang manager
Bukod sa pagpapadala ng flowers, iginuhit na rin pala ni Tom Rodriguez si Carla Abellana at ang painting ng aktor sa nililigawan (o gf na) ay nakasabit sa Luminary Talent Management office ng manager niyang si Popoy Caritativo.
Kung ibibigay ni Tom kay Carla ang painting niya sa dalaga o mananatiling nakasabit sa office ng manager, malalaman natin ‘pag nakausap ang aktor. Kaya lang, mukhang next year na natin mai-interview si Tom dahil aalis ito sa December 25 for Japan para makapiling ang mga kapatid na babae na nasa Japan with their family.
Magkikita pa naman sina Tom at Carla at baka nga magkasama sila sa eve ng Christmas. Hindi makaalis ng maaga ang binata at kailangan niyang sumama sa Parade of Stars bukas dahil entry sa MMFF ang Praybeyt Benjamin 2 kung saan, main contravida siya ni Vice Ganda.
Tirso Cruz nagpapaka-stage husband
Stage husband ang biro ng press kay Tirso Cruz III nang samahan ang asawang si Lyn Cruz sa press preview ng first movie nitong English Only, Please. Nanay ni Jennylyn Mercado ang role ni Lyn na in fairness, keri ang role.
Kuwento ni Lyn, hindi niya matanggihan si Atty. Joji Alonso nang pakiusapan siya na gumanap na nanay ni Jennylyn sa movie. Dapat daw two scenes lang siya, pero ginawang apat ni Direk Dan Villegas. Papasang mag-ina sina Lyn at Jennylyn, pareho kasi ang tabas ng mukha nila.
Ang pakiusap ni Lyn sa mga kaibigang press, ‘wag siyang i-bash. Kinontra siya ni Pip, puwede raw i-bash ang asawa niya!