Baka hindi sa showbiz bumalik si Sharon Cuneta na sinasabing malaki na raw ang ibinaba ng timbang. May alok kay Mega na tumakbong mayor sa Pasay City na dating pinamahalaan ng kanyang ama sa napakatagal na panahon.
Kung pipiliin ng Megastar na pumasok sa pulitika, dapat ay sa partido ng kanyang asawa siya lumugar na nasa panig ng administrasyon ni P-Noy, dahil kung sa kalabang partido siya mapupunta, baka magkaproblema agad siya.
Malalaman kung talagang wagi sa kanyang pagdidyeta ang aktres dahil magni-ninang ito sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30.
Julia dapat matuto kina Andre at Kobe kung paano i-handle ang problema sa magulang
Kung gusto ni Julia Barretto na maging smooth ang landas na tatahakin niya patungong stardom, siguro ay may dapat siyang malaman at matutunan sa mga anak ni Benjie Paras na sina Kobe at Andre. Naging bukas ang damdamin ng dalawa sa kanilang ina na nakahiwalayan ng kanilang ama, to the point na nakapagbitiw sila ng hindi magagandang salita tungkol dito. Bahagi ng kultura natin ang maging magalang sa ating mga magulang at naging negatibo ito sa karamihang Pinoy. Kaya kahit anumang pagkakasala meron sila sa atin, wala tayong karapatan na pagsalitaan sila ng hindi maganda. Mas makabubuti kung manahimik na lamang tayo at huwag nang ipamalita ang hindi magandang ginawa nila.
Kobe has left showbiz para i-pursue ang career sa basketball sa US, and he seems to be succeeding. Andre has tried acting and has learned to keep silent now about the matter. And looks where his silence is taking him.
If Julia plays her cards well and not dwell on her father’s (Dennis Padilla) imperfection, she’ll reach her peak without so much problem. Pero ang pagiging malayo ng loob niya sa kanyang ama at ang kagustuhang huwag gamitin ang pangalan nito ay umaani ng negatibong comments sa mga tagasubaybay sa showbiz.
Pati ang pasasalamat niya sa kanyang ina sa pagtataguyod nito sa kanilang magkakapatid na mag-isa lamang ay hindi tinatanggap na maganda ng mga tao.
Dapat sigurong sundan ni Julia ang ginagawa ni Andre Paras ngayon na umiiwas nang pag-usapan ang kanyang ina. Kung wala rin lamang masasabing maganda ang batang Barretto tungkol sa kanyang ama, huwag na lang siyang magsalita tungkol dito. The less she talks about him, the better. Kesa naman magalit sa kanya ang mga tao dahil lang lumalabas siyang walang galang sa kanyang ama.
PMAer na hindi pina- graduate inuulan ng showbiz offer
Hindi magandang imahe ang nakukuha ng PMA sa ginawa nilang hindi pagpapa-graduate kay First Class Cadet Aldrin Jeff P. Cudia na nakilala ng entertainment press sa pa-Christmas party ni PAO Chief Atty. Persida Acosta. May tikas ang cadete na nagsabing hindi niya prayoridad ang pag-aartista ngayon. Mas gusto niyang tutukan muna ang kanyang kaso. Marami kasi ang nag-aalok sa kanya ng proyekto simula nang nakita siya sa mga dyaryo, telebisyon, at iba pang babasahin dahil lamang sa hindi pagpapa-graduate sa kanya ng PMA. Okay na maparusahan siya, pero ‘yung permanenteng hindi siya pagtapusin, ‘yung sikilin ang karapatan niyang mag-graduate, the height na ‘yun ng pagmamalas ng kapangyarihan. Sa tulong ng mahusay na abogada, kami man ay umaasam na mabigyan ng hustisya si Cadet Aldrin.