SEEN: Si Coco Martin lamang ang nag-promote kahapon ng Feng Shui 2 sa ASAP 19 dahil nagpahinga muna si Kris Aquino, ang co-star niya sa pelikula ng Star Cinema at Kris Aquino Productions na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
SCENE: Nakaranas si Kris Aquino ng pagtaas ng kanyang blood pressure. Sinisingil na si Kris ng sobrang sipag niya sa trabaho pero nag-report pa rin siya kahapon sa The Buzz.
SEEN: Hit na hit sa televiewers ang pagsasayaw ni Richard Yap ng Boom Panes sa promo guesting kahapon ng cast ng Praybeyt Benjamin 2 sa ASAP 19.
SCENE: Hindi pa rin nararamdaman at maramdaman ang presence ni Iya Villania sa Sunday All Stars sa kabila ng paglalantad niya sa kanyang pusod.
SEEN: Tampok si Isabel Oli sa dalawang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival, ang Bonifacio, Ang Unang Pangulo at English Only, Please. Kapatid ni Robin Padilla ang role ni Isabel sa Bonifacio at ex-girlfriend siya ni Derek Ramsay sa English Only, Please.
SCENE: Si Tom Rodriguez ang male counterpart ni Isabel Oli. Mapapanood si Tom Rodriguez sa Praybeyt Benjamin 2 at English Only, Please.
SEEN: May cameo role sa English Only, Please ang rarely seen movie director na si Quark Henares. Si Quark ang isa sa mga boyfriend ni Cai Cortez sa English Only, Please.
SCENE: Ang important advisory ng TV5 tungkol sa hit-and-run incident na nangyari kahapon sa Skyway: TV5’s attention has been called to a supposed hit-and-run incident at the Skyway earlier this morning (Sunday, December 21, 2014).
A social media post says a “red pick-up with plate number NOA 235”, identified by the poster as a vehicle of TV5, hit a Honda Jazz before, the post suggests, speeding away. Nobody was hurt, the post adds.
TV5 management is looking into the matter. The plate number posted does indeed match that of a TV5 vehicle. The network’s officers have summoned the operator of the vehicle in question. The management is determined to investigate, and TV5 will cooperate with the appropriate authorities to hold people accountable, as necessary.
For any information that can help bring about a fair and speedy resolution, we enjoin all parties involved, including witnesses to the incident, to please contact us for any information through: Pierre Buhay at +63918 948 3709.”