Iritable much ang asawa ng aktres dahil sa pamilya nito na patuloy na umaasa sa kanila.
Hindi stable ang showbiz career ng aktres pero nasanay na ang pamilya niya ng paghingi ng pera sa kanya.
Hindi na natutuwa ang mister ng aktres dahil may mga anak din sila na binubuhay at higit sa lahat, malalakas pa sa kalabaw ang mga kapatid na lalake ng kanyang misis.
Noong dalaga pa ang aktres, siya ang breadwinner ng pamilya at spoiled na spoiled sa kanya ang mga magulang at kapatid niya.
Iba na ang sitwasyon ngayon dahil pamilyadong tao na siya pero hindi yata ito naiisip ng kanyang mga kapatid na hingi pa rin nang hingi ng tulong.
Worried ang concerned friends ng aktres dahil baka ang kanyang pamilya ang maging dahilan ng paghihiwalay nila ng asawa niya.
Napapadalas na raw ang pag-aaway ng magdyowa dahil sa abusadong pamilya ng aktres.
Mga anak ni Robin kumpleto sa pasko
In fairness, positive ang lahat ng reviews sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo, ang pelikula ni Robin Padilla na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival.
May reason para mag-celebrate si Robin at ang production staff ng Bonifacio dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board ang kanilang pelikula na critically-acclaimed.
Hindi nagkamali si Robin sa pagmamalaki nito sa Bonifacio sa grand presscon ng kanyang MMFF entry noong nakaraang linggo.
Kumpleto ang mga anak ni Robin ngayong Pasko dahil nagbabakasyon din sa Pilipinas ang kanyang anak na si Queenie.
Sinubukan ni Queenie na mag-artista pero hindi siya nagtagal sa showbiz dahil pinili niya na isentro ang atensyon sa Islam religion.
Ibang-iba na si Queenie dahil hindi siya nagpapakita sa publiko na hindi suot ang black abaya, ang robe-like dress na ginagamit ng mga Muslim women.
Bukod kay Queenie, naririto rin sa bansa ang mga anak ni Robin na si Ali at si Camille, ang anak niya sa ex-actress na si Leah Orosa.
Derek mahigpit na kalaban ni Robin sa pagka-best actor
Nakita kahapon sina Jennylyn Mecado at Derek Ramsay sa Fashion Mall ng SM Megamall.
Hindi nag-date ang dalawa dahil naroroon sila para sa special screening ng English Only, Please na official entry din sa MMFF 2014.
Feel good at romantic comedy movie ang English Only, Please.
Ang sabi ng mga nanood, mahusay si Derek sa kanyang role at siya ang mahigpit na makakalaban ni Robin Padilla sa best actor category ng MMFF 2014.
Natural na natural ang acting ni Derek sa role na tailor-made sa kanya at magpapakilig sa female moviegoers.
EDSA nagka-himala noong biyernes
Parang may himala na nangyari sa Edsa noong Biyernes dahil hindi nangyari ang monster at horrible traffic na inaasahan.
Maluwag ang daloy ng trapik dahil iniwasan yata ng mga motorista ang Edsa dahil sa hula na monster traffic sa huling Biyernes bago ang Pasko.
Maraming beses na ginamit ni Jennylyn Mercado ang “trapik sa Edsa” sa mga dialogue niya sa English Only, Please.