Inulit ni Vic Sotto na hindi ang pagiging number one sa takilya ang habol niya tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF), kundi ang mapasaya ang moviegoers. Ang sabi lang, for all ages ang My Big Bossing.
Medyo may anghang lang ang sagot ni Vic na “Libre mag-claim na mangna-number one ang kani-kanyang movie. Never akong nagyabang at sanay na kami na iniipit kami,” sagot ni Vic sa box-office isyu.
Naniniwala rin si Vic na may chemistry sina Ryzza Mae at Alonzo Muhlach, si Ryzza, mga nanay at ate ang hatak sa pangunguna ni Ms. Susan Roces at Dolor Guevarra na mga kumare raw ni Ryzza.
Biggest blessings kay Vic sa Pasko ang patuloy na success ng Eat Bulaga at ang My Big Bossing.
Direk Tikoy naloka nang ma-X din ang trailer ng Tragic Theater
Sanay na si director Tikoy Aguiluz na nabibigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanyang mga pelikula dahil nangyari na ito sa mga pelikula niyang Boatman, Segurista, at Biyaheng Langit. Pero nagulat ang director nang ma-X ang trailer ng latest movie niyang Tragic Theater ng Viva Films.
“Too scary” daw ang trailer ng Viva Films movie na showing sa January 8, 2015 na ipinag-react ni direk Tikoy sa Facebook at sa presscon ng movie. Sabi nito: “I can’t believe they gave an X rating twice to a trailer for a horror film. Too scary was the verdict. I didn’t see anything wrong with the trailer. Horror film ito kaya dapat scary, hindi ba?”
Para wala nang isyu, susundin ng Viva Films ang guidelines ng MTRCB, ni-re-edit ang trailer at sana pumasa na sa MTRCB para wala ng problema at malapit na ang showing nito.
Tampok sa Tragic Theater sina Andi Eigenmann, John Estrada, at Christopher de Leon. Nabalitang sa shooting, nahulog si Andi mula sa harness at bumagsak 15 feet, pero himalang hindi ito nasaktan.
Carla idineklarang pinakamaganda ang SRR nila
Naaliw kami sa “bakit akala mo pangit” na sagot ni Mother Lily Monteverde sa reaction namin nang makita ang Imperial Resorts niya sa Taal, Batangas. Gandang-ganda kami sa resort ng lady producer na may three swimming pools. Nag-imbita itong mag-stay doon ang press at mag-swimming.
Parang Baguio ang weather sa Batangas sa sobrang lamig at katahimikan, kaya pala madalas mag-stay doon si Mother Lily. Wala si Mother Lily sa opening ng MMFF dahil lilipad siya ngayon for the States para dalawin ang apo. Kampante itong tatangkilikin ng moviegoers ang entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll XV.
Gandang-ganda sa movie ang nakapanood sa celebrity premiere at very proud sa movie si Carla Abellana na bida sa Ulam episode kasama si Dennis Trillo.
Sana lang, walang mag-react sa sinabi nitong ang SR&R XV ang pinakamaganda sa lahat ng SR&R movies na kanyang napanood at hindi lang dahil kasama siya.
Daniel ginagwardyahan ng fans kay Jasmine
Wala sa presscon ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo si Daniel Padilla, kaya hindi naligalig ang fans ng teen actor at Kathryn Bernardo na ayaw makitang magkasama sila ni Jasmine Curtis-Smith.
Ang sunod na inaabangan ng Kathniel fans ay ang Parade of Stars sa December 22, titingnan nila kung sasama si Daniel dahil required ng MMDA na sumama lahat ng cast. Magkaroon kaya ng violent reaction ang fans ‘pag nakitang magkasama sa karosa sina Daniel at Jasmine?
Anyway, request pala ni Robin Padilla, unahing panoorin sa entries sa MMFF ang Bonifacio. Isang pagbabalik sa kasaysayan ng Pilipinas daw ‘pag pinanood ang pelikula sa direction ni Enzo Williams.