Hindi affected si Andi Eigenmann ng mga pang-ookray ng kanyang detractors na mataba siya. Masyadong happy ngayon si Andi para seryosohin niya ang mga personal na batikos laban sa kanya. Sinagot ni Andi ang lahat ng isyu sa presscon kahapon ng Tragic Theater, ang coming soon movie niya sa Viva Films.
Ang sabi ng mga reporter na nakakita kay Andi, hindi naman siya mataba sa personal pero obvious na nadagdagan ang timbang niya. Ang suspetsa ng mga reporter, happy si Andi dahil kay Brent Jackson, ang young actor na inaayawan ng kanyang pamilya.
Mukhang hindi raw put on ang happy disposition ni Andi dahil bakas sa mga mata niya ang genuine happiness. Kung talagang maligaya si Andi, mahihirapan si Jaclyn na awatin siya sa pakikipagkita kay Brent dahil ito ang source ng happiness ng kanyang unica hija.
Tragic theater realistic
Suspense thriller ang Tragic Theater at mula ito sa direksyon ni Tikoy Aguiluz. Starring sa Tragic Theater sina Andi, John Estrada at Christopher de Leon. Inamin ng writer ng Tragic Theater na hango sa mga tunay na pangyayari ang kuwento ng pelikula na tungkol sa workers na nalibing ng buhay dahil bumigay ang scaffolding ng teatro na itinatayo nila.
Sounds familiar? Bahala na kayong mag-isip kung base sa kuwento sa construction ng Manila Film Center ang Tragic Theater. Mid-30’s ang edad ko at active na active sa showbiz nang mangyari ang tragic incident sa Manila Film Center. Sa tantiya ng media, mahigit sa 150 workers ang nalibing ng buhay sa Manila Film Center na itinayo para sa Manila International Film Festival na project noon ni former First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Natuloy ang MIFF sa kabila ng trahedya na naganap at star-studded ang event na dinaluhan ng Hollywood actress na si Brooke Shields na sikat na sikat noon sa buong mundo. Marami ang nagsasabi na may nagmumulto raw sa Manila Film Center na venue ngayon ng stage show ng mga transgender at transsexual.
Ibang teatro at hindi ang Manila Film Center ang ginamit na location ni Papa Tikoy para sa mga eksena ng Tragic Theater.
Maabilidad si Papa Tikoy dahil gumawa siya ng paraan na maging realistic ang mga eksena na hindi lalampas sa budget ng Viva Films. Sure ako na isang pelikula na maganda ang Tragic Theater dahil subok na ang husay ni Tikoy. Hindi siya magkakaroon ng mga best director award kung hindi siya magaling ‘no!
Ruffa kinorek ang pangalan ng BF
May correction please si Ruffa Gutierrez, Jordan without letter U ang spelling ng kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal. Naloloka si Ruffa kapag nababasa nito na spelled with a letter U ang name ng mhin na nagpapatibok ngayon nang mabilis sa kanyang puso.
Nagkakamali kasi ang ibang mga reporter sa pagsusulat ng pangalan ni Jordan. Ang akala nila, Jourdan ang correct spelling ng pangalan ng boyfriend ni Ruffa porke may letrang U ang family name niya. Napaka-partikular pa naman ni Ruffa sa mga spelling at pronunciation ng pangalan ng mga tao. Hindi siya nagdadalawang-isip na i-correct ang mga nagkakamali sa pagbigkas sa pangalan ng kanyang anak na si Venice.