MANILA, Philippines - Pinag-aadya pa rin si Andi Eigenmann nang mahulog at mahimatay siya habang nagso-shooting ng pelikulang Tragic Theater.
Naganap ang nasabing aksidente habang nagda-dialogue sila ni John Estrada para sa pelikula nilang tungkol sa kwento ng exorcism na hango sa libro ni G.M. Coronel at batay sa tunay na pangyayari.
Maalalang noong unang bahagi ng dekada 80, nauwi sa malagim na aksidente ang madaliang pagagawa ng isang sinehan. Bumagsak ang scaffolding sa mataas na bahaging itinatayo ng gusali at sinasabing natabunan ang mga trabahador sa ilalim nito. Pinaniniwalaan din na aabot sa 168 katao ang namatay. Marami raw sa mga trabahador na ito ang buhay pa pero hindi nakawala sa pagkakaipit sa mga nagbagsakang bakal. Pero sa halip na sila ay tulungan, iniutos daw na buhusan na lamang sila ng semento upang magtuluy-tuloy ang trabaho.
Sinundan ito ng iba’t ibang kwentong kababalaghan. May mga nagsabing nakarinig daw sila ng mga iyak at sigaw kahit wala namang ibang tao sa loob at paligid ng gusali. Maraming spirit communicators man ang sumubok, wala pa rin umanong nakapagpaalis sa mga galit na kaluluwang naninirahan sa loob ng sinehan.
Kaya naman nang maaksidente ni Andi, naisip niyang baka may kinalaman ang sinasabing mga kaluluwang hanggang ngayon ay hindi pa rin nanahimik.
“Well, we all know that the film is about exorcism and possession. We were shooting that scene na nakalutang po ako sa ere as seen on the trailer. Tapos habang nagtu-throw lines kami ni Kuya John (Estrada) because I needed to practice my lines because I was speaking in Latin, at inaangat po ako sa harness, pumiglas ‘yung tali ng harness. I fell about between 10 and 15 feet off the ground,” Andi recalled sa nangyari sa kanya kung saan bumagsak siya sa theater seats at dumiretso sa sahig.
“I was just very lucky na walang serious injuries internally and externally. But I did have a very big black bruise on my right thigh, tapos sobrang namaga po siya and I couldn’t walk for a few weeks. Tapos ‘yung lower back ko rin po ang natamaan. But sobrang suwerte ko rin po na ‘yun lang ang nangyari sa akin,” dagdag ni Anne na aminadong namanhid ang pakiramdam at hindi halos makagalaw nang unang makita na may bagong girlfriend na si Jake Ejercito. Si KC del Rosario umano ang new GF ng anak ni Erap.
Bukod kina Andi at John Estrada, pinagbibidahan din ang pelikula ni Christopher de Leon mula sa direksyon ng batikang director na si Tikoy Aguiluz.
Role ng workaholic at ambisyosang si Anne Marie Francisco (Eigenmann) na mula sa Department of Tourism ang inatasan upang siguraduhin na wala nang kaluluwang namamahay pa sa gusali upang matuloy na ang pagpapatayo nang binabalak na IMAX Theater dito. Humingi ng tulong si Anne kay Father Nilo (Estrada) na namumuno ng isang grupo ng mga spirit communicators. Nagawa nilang makausap ang mga kaluluwa at mula sa mga ito, natuklasan nila na liban sa mga galit na kaluluwa, may isang madilim at nakapangingilabot na elemento pa ang naninirahan sa gusali. Higit pa riyan, hindi ito papayag na makatakas ang sinuman - kaluluwa man o buhay na nilalang.
Ipalalabas ang Tragic Theater sa January 8 mula sa Viva Films.