Inamin ni Matteo Guidicelli na pagkatapos ng parada ng mga artista ng MMFF on December 23 ay lilipad na siya ng Cebu to spend the holidays with his family minus his girlfriend, ang pop princess na si Sarah Geronimo na kasama naman ang sariling pamilya sa pag-celebrate ng Christmas at Bagong Taon.
Hindi na namin inurirat si Matteo kung bakit hindi niya kasama ang kanyang kasintahan sa pinakamahalagang araw ng taon, ang araw ng Pasko.
Speaking of Matteo, tuwang-tuwa rin siya na siya’y napasama sa Shake, Rattle & Roll XV, his first MMFF movie.
Daniel nag-i-effort na magpaka-fluent magsalita ng Tagalog
At the press conference ng SRR XV marami ang natuwa sa Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga dahil napakagaling na nitong managalog kumpara sa ibang foreign celebrities na kahit napakatagal na sa Pilipinas ay hindi pa rin marunong magsalita ng Tagalog. Sa case ni Daniel, talagang nag-effort siyang matutong magsalita ng Tagalog.
Sa Q&A with the entertainment press, most of the time ay Tagalog ang sagot ni Daniel hindi katulad ng isang TV host-turned actor na kahit sampung taon na rito ay bano pa ring magsalita ng Tagalog. Ngayon ay na-realize niya na kailangan niyang maging fluent sa pagsasalita ng Tagalog kung gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang acting career.
We also have to give credit kina Derek Ramsay, Rafael Rosell, at Sam Milby dahil napakatatas na nilang magsalita ng Tagalog considering na hindi sila sa Pilipinas isinilang at lumaki.
Kahit nga ang ex-wife ni Ogie Alcasid, ang Australian beauty na si Michelle van Eimeren ay napakagaling magsalita ng Tagalog considering na ilang taon lang ito namalagi ng Pilipinas. Magaling ding managalog ang Brazilian beauty na si Daiana Meneses. Ultimo ang Japanese businessman-comedian na si Yachang ay napakagaling na ring magsalita ng Tagalog.
Nasa bansa ang family ni Daniel at dito nila ise-celebrate ang Pasko for the second time.