Aiza at Liza gustong magka-baby!

Instagram/Aiza Seguerra

MANILA, Philippines – Matapos ang kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño, nais naman nilang magkaroon ng anak.

Ikinuwento nina Aiza at Liza na nakonsulta na nila ito sa doktor kung saan kailangan nilang magpabalik-balik sa Amerika.

“We had a checkup [sa U.S.] and they explained the whole process. Kailangan nando'n kami kasi pabalik-balik kami dapat, e,” wika ni Liza sa panayam niya sa “Aquino & Abunda Tonight” kagabi.

Artificial insemination ang gagamiting paraan upang magkaroon ng baby ang dalawa.

Sa ngayon busy ang bagong kasal sa pag-aayos ng ceremonial wedding dito sa bansa.

“We're not gonna get married here, we're already married. So what were gonna do here is a ceremony,” paliwanag ni Aiza.

“'Yong mga parents namin, all of our friends andito sila, e. We want to share this special moment with them also.”

Show comments