Parang kinikilig si Vina Morales nang tanungin siya ng mga reporter sa past relationship nila ni Robin Padilla sa presscon kahapon ng pelikula nila na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.
Open book noon sa showbiz ang mala-You and Me Against the World na love affair nina Vina at Robin. Ang sey ni Vina, hindi maganda ang break up nila ni Robin at nagkapatawaran lamang sila nang gawin nila ang Bonifacio.
Humingi ng tawad si Robin sa kanyang ex-dyowa sa set ng Bonifacio. Ang sey ni Vina, tuwang-tuwa siya dahil masarap ang pakiramdam ng nagpapatawad sa kapwa. Malabo nang magkaroon ng Part 2 ang love affair nina Robin at Vina. Kahit Muslim at allowed si Robin ng apat na asawa, happily-married siya sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez na never na dumalaw sa set ng Bonifacio kaya hindi sila nagkaroon ni Vina ng chance na makapag-bonding. Take note, si Mariel ang pumili kay Vina para maging love interest ni Robin sa Bonifacio. Si Vina ang gumanap na Gregoria De Jesus sa pelikula.
Jasmine hindi kinikilig kay Daniel
Starring sa Bonifacio si Jasmine Curtis Smith na hindi sinasadya na na-link kay Daniel Padilla na isa rin sa mga bida ng pelikula. Naging talk of the town ang dialogue ni Daniel na kinilig ang t....g nito nang sumagot si Jasmine sa text message na ipinadala niya.
Nagalit ang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo kay Jasmine kaya nakaranas ito ng bashing. Tapos na ang isyu at nakapag-move on na ang mga sangkot sa kontrobersya na pinagpistahan dahil sa kaibigan ni Daniel na nag-post sa YouTube ng kanyang kinilig ang t....g voice clip.
Umapir kahapon si Jasmine sa presscon ng Bonifacio at ang working experience niya kay Daniel ang inusisa ng mga reporter. Nabigo ang mga reporter na umasa na sasagot si Jasmine na kinilig din ang t....g nito dahil pinairal ng young actress ang pagiging Dalagang Pilipina.
May tsismis na may legal action na gagawin si Daniel laban sa kaibigan na nagkalat ng kanyang voice clip pero hindi pa confirmed.
Mga pumunta sa celebrity screening ng SRR dusa sa matinding trapik!
Kahapon ang presscon ng Shake, Rattle & Roll XV sa Imperial Palace Suites. Magkasunod ang oras ng mga presscon ng Bonifacio at ng horror movie ng Regal Entertainment Inc. kaya nagpalipas na lang ako ng oras sa presscon ng pelikula ni Robin dahil kung aalis pa ako, baka maisipan ko pa na umuwi ng bahay.
Actually, na-delay ng isang oras ang presscon ng Shake, Rattle & Roll at may duda ako na baka na-late ang mga artista dahil sa horrible traffic situation kahapon sa Metro Manila. Sa Timog Avenue ang venue ng presscon ng Bonifacio kaya kitang-kita ko ang mga sasakyan na hindi na umuusad sa EDSA na sinabayan pa ng pagbuhos ng ulan.
Kagabi ang celebrity screening ng Shake, Rattle & Roll sa SM Megamall Cinema. Namroblema ang mga invited guests at writers dahil dusa as in capital pagdusa ang bumiyahe sa EDSA para makadalo sila sa special screening ng MMFF offering ng movie outfit ni Mother Lily Monteverde.
Merry Christmas PSN!
Maraming salamat kina Kane Choa at Aaron Domingo ng Corporate Communications ng ABS-CBN dahil ipinadala nila sa akin ang Christmas gift ng Kapamilya Network sa kabila ng hindi ko pagdalo sa Christmas party na nangyari noong Monday night. Kapuso ako pero na-feel ko ang love sa akin ng Kapamilya kaya a million thanks kina Kane, Aaron at sa ABS-CBN management.
Ngayon nga pala ang Christmas party ng mga empleyado ng Star Group of Companies sa isang five star hotel somewhere in Pasay City. Tiyak na aapaw na naman ang masasarap na pagkain at babaha ng drinks. Invited ako pero hindi ako makararating dahil ayokong ma-trauma sa trapik ‘huh! Every year, bongga at walang umuuwing luhaan mula sa annual Christmas party ng Star Group of Companies na may theme ngayon na Heroes and Villains. I’m sure, enjoy na naman ang lahat at expected na magiging maligaya ang kanilang Pasko. Merry Christmas!