^

PSN Showbiz

Role na tinanggihan ni Kris, bold star pala ang sumalo!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May pelikula palang kasali sa Metro Manila Film Festival (New Wave entry) si Zsa Zsa Padilla, ang M – Mother’s Name under Quantum Films.

Malungkot ang kuwento ni Madam Belle (Zsa Zsa) na may pancreatic cancer pero pinairal pa rin ang kamalditahan. Hindi curable ang sakit niya pero treatable. Maiiba ang kuwento ni Belle nang puntahan niya sa probinsiya ang kanyang Manang (matagal na kasambahay) na sinasabing kinulam ang anak pero may sakit pala sa atay.

Main support ni Zsa Zsa si Nico Antonio na nag-iisa niyang anak na bading pala.

At siyempre magaling si Manang Minda na ginampanan naman ni Gloria Sevilla.

Si Zig Dulay ang direktor ng pelikulang palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang M.

Samantala, malungkot din ang kuwento ng isa pang entry sa New Wave category ng 2014 MMFF na Maratabat (Pride and Honor).

Inspired ito sa Ampatuan Massacre na sinulat at dinirek ng broadcast journalist na si Arlyn dela Cruz.

Magagaling ang mga actor na bida sa Maratabat particularly si Ping Medina, Julio Diaz, and Elizabeth Oropesa.

Ito pala ‘yung pelikula na ini-offer kay Kris Aquino at Derek Ramsay. Ang supposedly role ni Kris na asawa ng kakandidatong governador sa Maratapat (na si Derek sana) ay napunta kay Channel La Torre, yup the bold star na in fairness ay mas kilala na ngayong drama actress sa mga indie film.

May mga iniba silang eksena na wala sa mga nabalita sa mga dyaryo, radio, and TV.

Graded B naman ng CEB ang Maratabat.

Palabas na rin ang Maratabat sa SM Megamall and Glorietta Cinema.

Philharmonic Orchestra ni Gerard naki-jamming sa entertainment press

Handang-handa na ang mga programa for 2015 ng ABS-CBN.

The other night sa Thank you, Kapamilya! The Media Christmas Concert Party with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra, ipinapanood sa mga dumalong entertainment press ang teaser ng mga programa.

Kabilang dito ang Inday Bote starring Alex Gonzaga with Matteo Guidicelli and Alex’ ex boyfriend Kean Cipriano; ang eksenang tarayan at sampalan agad nina Angelica Panganiban and Jodi Sta. Maria para sa Pangako Sa ‘Yo na bida sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo; Flor de Liza starring Marvin Agustin and Jolina Magdangal at dalawang bagets na gaganap na Flor de Liza na base sa trailer interesting ang nakakaiyak ang kuwento.

Anyway, super bongga ang ginanap na party ng ABS-CBN for the press. Naki-sing along sa ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang mga nag-join sa party. Tumugtog ang grupo ng Wrecking Ball, Roar, Kiddie Whoops ang grupo na pinamumunuan ni Mr. Gerard Salonga.

Sila rin ang nag-accompany sa mga kapwa showbiz writers/editors na humataw sa ‘concert.’

Ang bongga. Samantalang, ayon sa isang nagkuwento P1 million ang charge ng grupo ni Gerard ‘pag nag-appear sa concert. Yup, P1 million daw ha. Eh kasi naman ang sossy ‘pag orchestra ang naririnig mong music. Eh naki-sing along pa.

Present din sa nasabing party ang top guns ng network sa pangunguna nina Ms. Cory Vidanes and Direk Lauren Dyogi.

In the middle of the program ay inalala rin ang mga namayapa nang members ng press.

Last year ay hindi nagpa-party ang ABS-CBN dahil sa bagyong Yolanda.

Flawless may promo para maging maganda sa pasko

Uy may bonggang offer ang sikat na beauty clinic na Flawless sa kanilang Flawless Pink Revolution bilang pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik sa kanila.

“We really want to mark this fantastic year and share the success with our clients,” sabi ni Ms. Rubby Sy, CEO of Flawless. “Several milestones were achieved not just for Flawless but for the entire Philippines. 2014 is the year that we launched the country’s first ever widely-available all-in-one intravenous vitamin mix – called the Beauty Drip - and our All-Natural Ultimate White Facial. This is also the year that we managed to exclusively bring in the world’s first 100 percent natural in origin, 100 percent biodegradable and 100 percent hypoallergenic beauty line, Novexpert,” dagdag ni Ms. Rubby.

“We also opened two more locations this year, one in Bacolod and another in Eastwood. With plans to begin operations early next year in several more sites – we can’t be more thankful to everyone who continues to support us. And that’s why we instigated the Flawless Pink Revolution,” litanya niya.

Pasok sa kanilang Pink Revolution ang 5+5 service packages sa lahat ng kanilang 38 branches.

Ibig sabihin kung mag-a-avail ang costumers ng 5 session meron kang libreng 5 ng the same services.

Kasali sa offer na ito ang kanilang mga bestseller - Cell Booster Infusion Mask, Nano Power Peel, Laser Hair Removal and Shape and Sculpt.

At ang nakakaaliw, puwedeng ipasa sa kaibigan o kamag-anak mo ang promo. Hindi lang ikaw ang puwedeng gumamit. Basta sampu lang ang kailangan mong buuin.

Kaya bago mag-Pasko magpaganda na. Mas bongga pag maganda ka sa mga litrato mong isi-share sa social media accounts mo.

To know more about the Flawless Pink Revolution, like Facebook.com/FlawlessFaceandBody or follow Instagram.com/myFlawless and Twitter.com/myFlawless. Or you can visit any of the 38 Flawless clinics nationwide.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALL-NATURAL ULTIMATE WHITE FACIAL

FLAWLESS

FLAWLESS PINK REVOLUTION

MARATABAT

NEW WAVE

PHILHARMONIC ORCHESTRA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with