Walang nakuha kahit anong special award Valerie luhaan sa Miss World

Hindi natupad ang inaasahang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss World nang hindi man lamang pumasok sa Top 10 ang kinatawan ng Pilipinas na si Valerie Weigmann. 

Ang 2014 Miss World ay ginanap sa International Convention Center ng Excel Exhibition Centre sa London, England nu’ng Linggo (Dec. 14) ng hapon.

Hanggang sa quarter finals lamang pumasok si Valerie sa beauty pageant which was hosted by 2013 Miss World na si Megan Young kasama ang Welsh actor and TV host na si Tim Vincent.

Hindi napigilan ni Megan ang maging emotional nang siya’y magpaalam at eventually iputong ang korona sa bagong hirang na Miss World, ang Miss South Africa na si Rolene Strauss (22). Ito’y sinundan ni Miss Hungary Edna Kulcsar (22) bilang 1st Princess at Miss USA Elizabeth Safrit bilang 2nd Princess. Pasok naman sa Top 5 sina Miss Australia Courtney Thorpe at Miss England Carra Tyrrell.

Hindi man nakapag-uwi ng korona o kahit ano’ng special award si Valerie, naniniwala pa rin kami that she did her best na masungkit ang korona pero hindi nga lamang siya pinalad.

Vic gustong nagpapa-miss sa mga tao

Ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay hindi kumpleto kung walang entry ang tinaguriang MMFF Box Office King na si Vic Sotto. Kaya naman taun-taon ay hindi siya nawawalan ng entry tulad na lamang this year ang My Big Bossing na idinirek ng tatlong box office directors na sina Tony Y. Reyes, Marlon Rivera, at Bb. Joyce Bernal.

For several years now, once a year lamang gumawa ng pelikula si Bossing (Vic) at ito’y para lamang sa MMFF.

“Araw-araw na nila ako napapanood sa telebisyon, kung madalas pa nila akong mapapanood sa pelikula, baka magsawa na sila. Maganda na rin `yon may spacing ang paggawa ko ng movie para looking forward parati sila sa susunod kong pelikula,” paliwanag ng Eat Bulaga TV host icon.

Ipinagmamalaki ni Vic na ang My Big Bossing ang pinakamalaking pelikulang nagawa niya in his entire career.

Ang child superstar na si Ryzza Mae Dizon ang bago niyang “anak-anakan” kaya silang dalawa ang mga pangunahing bida sa tatlong episode ng My Big Bossing, na Taktak, Sirena, at Prinsesa.

Show comments