Bakit kaya sa kabila ng kanyang mga pagdedenay at madiing pagtanggi tungkol sa napapabalitang milagrong pinaggagagawa niya sa balwarte ng mga beki ay ayaw pa ring tumigil ang mga bulungan tungkol sa sideline ng hunk actor na ito?
Nakakahiya pa nga ang mga istoryang umiikot na sa kahit pabarya-barya na lang ngayon ay pumapatol na rin ang hunk actor dahil sa matindi niyang pangangailangan.
“Pambili ng rubber shoes,” nakataas ang kilay na sabi ng isang miron. Ang hiningan niya ng pambili ng bagong labas na rubber shoes ay isang beking negosyante na nawindang nang tumawag sa kanya ang hunk actor.
Kumikita naman siya, marami naman siyang ginagawang proyekto, pero bakit nga ba pumapatol ang hunk actor na ito sa mga katsipang raket?
“Maluho kasi siya, kapag may gusto siyang bilhin na ayaw niya nang makabawas pa sa kanyang talent fee, e, may tinatawagan siyang Boogie Wonderland (read: bugaw).
“Ang sasabihin niya, e, may bibilhin lang daw siya, ayaw na raw niyang maglabas pa ng datung mula sa kinikita niya. So, ang dyugaling naman, maghahanap na ng makakasama niya nang short time.
“Paminsan-minsan lang ang tinatanggap niyang maliitang TF, trip na lang siguro niya ‘yun, dahil may presyo rin si ____(pangalan ng hunk actor).
“Malaki rin ang talent fee niya, saka depende ‘yun sa lugar, kung bibiyahe pa siya nang malayo para lang makipagkita sa beki, e, may dagdag ‘yun na transportation fee.
“Matindi rin ang talent fee niya, hindi lahat ng beki, e, nagkakaroon ng chance na maka-avail ng services niya. ‘Yung nangyaring kuwento ng rubber shoes, siguradong trip-trip lang niya ‘yun!” kuwento pa rin ng aming impormante.
Ubos!
AiAi mas pinili ang kaligayahan kaysa magpaka-active sa social network
Maganda ang ginawang desisyon ni AiAi delas Alas na bumitiw na sa social media. Wala na siyang Twitter, Facebook, Instagram, at kung anu-ano pang paraan ng pampublikong komunikasyon.
Para sa isang tulad niya ay positibo ang kauuwian ng pagbaklas niya sa social media dahil anuman ang gawin niya ay sinisilipan pa rin ng butas ng mga taong hindi nagkakagusto sa kanya.
At tama ang kanyang katwiran na hindi natin dapat ipamando ang ating buhay sa mga taong hindi naman natin kilala, lalong walang karapatan ang mga taong ni hindi nga nagpakahirap sa ating pagiging tao na makialam sa ating buhay, bakit kailangang ang gusto nila ang masunod?
Malaking bagay para sa mga personalidad ang katahimikan ng kalooban, nagugulo ang kanilang konsentrasyon kapag meron silang iniintinding problema, lalo na kung nagmumula ‘yun sa mga taong hindi naman nila personal na kakilala.
At napakahalaga ng mystery para sa mga artista, mas hindi alam ng publiko ang mga nagaganap sa kanilang personal na buhay ay mas maraming naku-curious sa kanila, ano pa nga ba naman ang susundan sa kanila ng publiko kung pati ang pagbabanyo nila ay naka-broadcast na?
Ngayon ay matatahimik na ang kalooban ni AiAi, upakan man siya nang upakan ng kahit sino ngayon ay wala nang makababagabag sa kanya, anumang hindi natin alam ay walang magiging epekto sa atin.
Takaw-kontrobersiya pa naman ang Comedy Concert Queen, pinanghihimasukan ng mga bashers pati ang kanyang kaligayahan, kaya tama lang ang ginawa niyang pagbaklas na sa social media.