Puwede kasing 2016, 2017, o 2018 pa, hamong laban ni Mayweather kay Pacman sa May 2 walang kasiguruhan!

Nangako ako sa sarili ko na panonoorin ko ang laban nina Floyd Mayweather, Jr. at Congressman Manny Pacquiao kapag natuloy ito.

Isa ako sa mga nag-rejoice sa pralala ni “Miss” Mayweather, Jr. na papatulan na niya ang hamon ni Papa Manny at sa kanya nanggaling na gusto niya na maglaban sila sa May 2.

Ang tanong, tutuparin ba ni Miss Mayweather ang kanyang pralala? Sinabi nga niya na ready na siya na harapin si Papa Manny sa May 2 pero walang year na binanggit si Miss Mayweather. Malay ba natin kung sa 2016 o 2017 ang May 2 na tinutukoy ni Miss Mayweather na daig pa ang babae sa pagpapalit ng isip.

Isang Thanksgiving/advance birthday dinner para kay Papa Manny ang inihandog sa kanya ng GMA Network Inc. sa pangunguna ni GMA Chairman & CEO Atty. Felipe L. Gozon.

Nangyari ang dinner sa isang hotel sa Roxas Boulevard noong Saturday night na dinaluhan ng mga bossing ng GMA-7 at ng mga kaibigan ni Papa Manny.

Umapir din ang mga member ng KIA basketball team ni Papa Manny. Sa darating na Miyerkules, December 17, ang 36th birthday ni Papa Manny kaya double celebration ang nangyari noong Sabado, ang tagumpay niya sa laban nila ni Chris Algieri sa Macau at ang kanyang kaarawan na tiyak na ipagdiriwang sa General Santos City.

Good health at matuloy na sana ang boxing fight nila ni Miss Mayweather ang mga birthday wish ko para kay Papa Manny.

It’s about time na harapin na ni Miss Mayweather si Papa Manny para magkaalaman kung sino sa kanila ang tunay na Hari ng Boxing sa buong mundo.

Willie hindi nakalimot

Maraming salamat kay Willie Revillame dahil sa Christmas gift na ipinadala niya sa akin noong Sabado.

Nagulat ako nang dumating sa studio ng Startalk ang trusted secretary ni Willie na si Mama Tess, bitbit ang Christmas gift mula sa controversial TV host.

Touched na touched ako dahil kahit hindi siya visible sa TV, hindi nakalilimot si Willie. Pati ang kanyang dating staff sa Wowowillie, naalaala niya.

Ang makabalik na sa TV ang Christmas wish ko para kay Willie  at sana nga, totoo ang mga balita na tuloy na tuloy na ang comeback ng kanyang programa sa 2015. Tiyak na matutuwa at magdiriwang ang fans ni Willie na miss na miss na ang presence niya sa TV.

Dingdong hindi marunong magpahinga

Good example si Dingdong Dantes sa ibang mga artista na hindi maaasahan sa promo ng kanilang mga pelikula.

Mga artista na kilala ang co-stars ni Dingdong sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 kaya puwedeng-puwede na sila na lang ang lumipad sa Cebu City para i-promote ang pelikula nila na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero hindi ipinaubaya ni Dingdong sa mga kasamahan niya ang promo ng Kubot dahil nagpunta siya kahapon sa Cebu para personal na i-remind sa mga Cebuano ang MMFF movie niya.

Na-appreciate ng mga Cebuano ang pagbisita sa kanila ni Dingdong, lalupa’t alam nila na malapit nang ikasal ang aktor at abala na ito sa paghahanda sa maraming bagay-bagay.

Bago siya bumiyahe kahapon sa Cebu, nakuha pa ni Dingdong at ni Marian Rivera na panoorin noong Sabado sa Mall of Asia Arena ang Hologram concert ni Julie Anne San Jose.

Tuwang-tuwa si Julie Anne sa suporta nina Ding­dong at Marian sa kanyang concert. Naging close si Julie Anne kay Marian nang magkasama sila sa Ma­rian, ang Saturday night show ni Marian na nag-babu sa TV noong December 6.

Show comments