^

PSN Showbiz

Kahit sa mga kapamilya sobrang maldita aktres tinataguan ang fans

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na pala bago ang ipinakikitang kamalditahan ng isang aktres na produkto ng isang pamilyang-showbiz. Natural, dahil artista na siya ngayon, lahat ng mga kuwentong may kinalaman sa kanya mula nu’ng bata pa siya ay naglalabasan na ngayon.

Estudyante pa lang ang aktres na ito ay marami nang naiinis sa kanyang kasupladahan, nu’n pa man kuno ay napaka-feeling na ng babaeng ito, bitbit niya ang ugaling ganu’n hanggang ngayon.

May sinabi pa pala nu’n ang babaeng ito na ayaw niyang mag-artista dahil hindi siya baduy, pero nasaan ba siya ngayon, sinundan din niya ang bakas ng kanyang mga kadugo.

Minsan, nang mag-shooting sa isang hindi kalayuang lugar sa Maynila ang aktres, ay may mga nagpuntahang estudyante sa location para makapagpa-picture taking na kasama siya.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya lumabas sa waiting area hanggang nandu’n pa ang mga estudyante, pinatitingnan niya lagi sa PA niya kung nandu’n pa.

“Nu’ng umalis na ang mga students, lumabas na siya, wala siyang kaalam-alam na nasa paligid lang pala ang mga ‘yun at nasisilip pa rin siya. Mula nu’n, ayaw na sa kanya ng mga estudyante, mabuti pa raw ang boyfriend niyang aktor at pumayag sa request nilang picture taking,” sabi ng aming impormante.

Kahit ang kanilang mga kamag-anak ay namamalditahan din sa kanya, kapag nagkikita-kita kasi sila ay nakamukmok lang siya sa isang sulok, hindi siya nakikipag-usap sa mga pinsan niya.

“Nu’n pa man, e, Simang na siya, as in, palaging nakasimangot. May sarili siyang mundo, sumpungin siya, bagay na bagay sa kanya ang name niya dahil parang curl-curl as in kulot-kulot, ang takbo ng utak niya,” pagsasarado pa sa kuwento ng aming source.

Atty. Topacio masama ang loob Claudine dinedma ang birthday ng ‘tagapagtanggol’

Nagkaroon pala ng sama ng loob si Attorney Ferdie Topacio sa kanyang una primerang kliyenteng si Claudine Barretto. Klase ‘yun ng tampo na mabilis din namang mawawala, konting hilot lang ng aktres ay makakalimutan na rin ng abogado, nang malaman namin ang dahilan kung bakit ay may karapatan naman palang magtampo ang abogado sa ipinagtatanggol nitong kliyente.

Minsan lang magdiwang ng kaarawan ang bawat tao, napakaespesyal ng araw na ‘yun para sa ating lahat, hindi man tayo umaasa ng regalong materyal ay napakasarap na sa pakiramdam na maalala man lang tayo ng mga taong espesyal sa ating buhay.

Du’n kinapos si Claudine. Alam niya na kaarawan ni Attorney Topacio, imbitado siya sa salu-salong ihinanda nito para sa kanyang mga kaibigan, pero hindi sumipot si Claudine.

Naghintay ito nang hanggang hatinggabi, nag-uwian na ang kanyang mga bisita, pero ni anino ng kanyang una primerang ipinagtatanggol ay hindi nito nakita.

Pambala sa kanyon ni Claudine ang kanyang abogado, sa mga pagkakataong inuupakan ng mundo ang kontrobersiyal na aktres ay si Attorney Ferdie Topacio ang humaharang para sa kanya, pero ilang oras lang ay nakaya niyang ipagdamot sa tao?

Mabuti pa si Deniece Cornejo na kailan lang nakilala at naging kliyente ni Attorney Topacio at naglaan ng panahon para sa kanyang selebrasyon, ipinaramdam ng dalaga ang kanyang importansiya, pero si Claudine?

Baka naman may allergy na naman siya? Napakagasgas nang dahilan ‘yun ni Claudine Barretto. Hindi na siya nawalan ng allergy sa katawan.

ATTORNEY FERDIE TOPACIO

ATTORNEY TOPACIO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

KANYANG

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with