Inulit ni Coco Martin ang kanyang pasasalamat kay Kris Aquino nang ito’y mag-text sa kanya nung kasagsagan ng batikos sa kanya na may kinalaman sa huling Bench underwear fashion show na kung tutuusin ay wala siyang kasalanan.
“Sobra kong in-appreciate ang text na `yon ni Ate Kris. Siya lang ang bukod tanging nag-text sa akin para palakasin ang loob ko at nag-offer ng tulong,” pagtatapat ni Coco.
Puring-puri naman ni Kris ang young actor dahil bukod sa napakahusay nitong aktor ay napaka-humble pa umano nito.
Hindi rin ikinakaila ni Coco na natakot umano siya kay Direk Chito Roño na first time din niyang nakatrabaho pero ang kanyang takot ay napalitan ng paghanga at respeto sa award-winning director na nakuha rin niya ang loob.
“Given na ang pagiging mahusay na aktor ni Coco pero lalo ko siyang hinahangaan sa professionalism na ipinakita niya habang ginagawa namin ang pelikula,” pahayag ni Direk Chito.
Since first time ni Coco na gumawa ng horror movie, nag-observe siya nang husto sa kanyang mga kasamahan laluna kay Kris at maging kay Direk Chito kung paano ang atake ng mga eksena at nakatulong ito nang husto para madali siyang makapag-adjust.
Hindi rin issue kay Kris ang kanyang pagiging stage mom sa kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap na kasama ni Vice Ganda sa The Amazing Praybeyt Benjamin na makakatapat ng Feng Shui 2.
“I’m not aiming for the No. 1 position, tanggap ko na `yon. Okey lang sa akin na ang movie nina Vice at Bimby ang mag-number one,” pahayag ni Kris na super close din kay Vice Ganda.
Eastern Samar nangangailangan ng tulong!
Alam mo ba, Salve A. sunud-sunod ang text na aming natatanggap mula sa aming mga kababayan sa Borongan City, Eastern Samar at sa mga karatig lugar ng Eastern Samar na sana’y ipaabot namin sa mga kinauukulan ang patuloy nilang paghingi ng tulong dahil karamihan sa kanila ay walang makain at masisilungan dahil nangawasak ang kanilang mga tirahan.
Tulad ng bagyong Yolanda, nag-iwan din ng malaking damage sa Eastern Samar ang bagyong Ruby. Kahit ang bahay namin sa Baybay 1 ay hindi rin pinatawad ng bagyong Ruby dahil natuklap ang bubong ng bahay.
In-demand man ngayon sa Eastern Samar ang mga karpiºntero, biktima rin sila kaya kailangang unahin muna nila ang pagkukumpuni ng kanilang mga nangawasak na tahanan.
Sa ngalan po ng aking mga kababayan sa Eastern Samar, kumakatok po kami sa may mga ginintuang puso na sana’y tulungan ang aming mga kababayang sinalanta ng bagyong Ruby.