^

PSN Showbiz

Solenn sunod nang ikakasal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung wala nang hahabol, si Solenn Heussaff ang next Kapuso star na ikakasal dahil engaged  na ito sa matagal na niyang BF na si Nico Bolzicco na ngayon ay fiancé na niya.

Si Solenn ang susunod sa kaibigang si Heart Evangelista sa circle nilang magkakaibigan sa GMA-7 na ikakasal. May mga nagtatanong at nagpi-pressure na kay Lovi Poe kung susunod na silang ikakasal ng BF niyang si Rocco Nacino.

Samantala, pinost ni Solenn sa Instagram (IG) ang publicity photo nila ni Iya Villania sa Taste Buddies. Si Iya ang pumalit kay Isabelle Daza na co-host ni Solenn sa show ng GMA News TV.

Also, may cameo si Solenn sa Ahas episode ng Shake, Rattle & Roll XV as the wife of JC de Vera na kinain ng ahas.

Martin walang pahinga sa Pasko

Puwede nang i-promote ni Martin Nie­vera ang post-New Year concert niyang The Big Mouth Rocks a New Year! Dahil tapos na ang The Penthouse Live...Reunion Concert nila ni Pops Fernandez kagabi sa PICC Plenary Hall.

Nabanggit ni Martin sa interview sa kanya para sa post-New Year concert na nang i-post niya sa Instagram (IG) ang poster ng Ultimate Valentine’s Day concert nila nina Lani Misalucha, Gary Valenciano, at Regine Velasquez, nakatanggap siya ng ‘memo’ kay Pops. That time, hindi pa nagaganap ang reunion concert ng The Penthouse Live, eh, si Pops ang producer ng concert.

Anyway, gagawin sa Samsung Hall SM Aura sa January 3, 2015, 8:00 pm., ang The Big Mouth Rocks a New Year produced ng Hills & Dreams Events Concept Co. Guests sa concert sina Allen Sta. Maria, Morisette Amon, at KZ Tandingan.

Sunud-sunod ang concert ni Martin dito at sa ibang bansa, in fact, aalis siya sa Monday for a concert, may Christmas show sa Las Vegas sa Dec. 20 & 21, may Dec. 26 show sa Michigan at sa Dec. 27, na ang balik niya sa Pilipinas.

Ipinaalala nina Martin at Jun Lalin (publicist) na isulat ang sponsors ng Big Mouth Rocks a New Year kabilang ang Jet 7 Bistro, Belo Medical Group, 10 Inch Lights & Sounds at Kawasaki.

Lotlot panay ang tsika kay Julie Anne

Something new para kay Lotlot de Leon ang role niya sa Kubot: The Aswang Chronicles 2  dahil hindi siya nag-drama, kundi nag-comedy. Nagpasalamat ang aktres na siya ang kinuha ni direk Erik Matti sa role ni Nieves dahil nadiskubre niyang kaya pala niyang magpatawa at maging luka-luka.

Inintriga si Lotlot kung paano ang working relationship nila ni Julie Anne San Jose na naka-love team at na-link kay Elmo Magalona na BF ngayon ng anak niyang si Janine Gutierrez.

Pero sabi ni Lotlot, okey sila ni Julie Anne, konting tsikahan lang sila dahil sa one scene lang sila nagkasama at tuluy-tuloy ang shoot at walang enough time para sa mahabang usapan.

Anyway, entry ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at direk Erik, GMA Films at Agosto Dos Productions ni Dingdong ang Kubot: The Aswang Chronicles sa MMFF. Ipinaalam din na isa nang certified franchise ang The Aswang Chronicles sa Kubot at marami pang susunod na sequel.

Ticket sa concert ni Julie Anne buy one take one na

This Saturday na ang Hologram concert ni Julie Anne San Jose sa SM MOA Arena at inaabangan na ng bashers kung mapupuno nito ang venue. Tila kampante naman ang singer-actress na magiging maganda ang first major concert niya nang matanong ng press tungkol dito sa presscon ng Kubot.

Dumalo rin si Julie Anne sa Christmas Party for the Press ng GMA-7, hindi nga lang kumanta dahil magre-rehearse pa for her concert at kailangan ding ireserba ang boses.

Since day one, controversial ang Hologram concert ni Julie Anne at ginawang isyu ang choice ng venue, ang ‘di paggi-guest ni Elmo Magalona at ang publicity gimmick ng producer na buy one take one sa pagbebenta ng tiket.

Masipag, mabait, mahusay na performer at dedicated sa kanyang craft si Julie Anne, let’s wish her well sa kanyang concert.

ANNE

ASWANG CHRONICLES

BIG MOUTH ROCKS

CONCERT

ELMO MAGALONA

JULIE ANNE

KUBOT

LOTLOT

NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with