Edu dinala sa Enchanted ang mga batang may cancer

MANILA, Philippines - Ipinasyal ni Edu Manzano last weekend ang 25 na batang may cancer na unti-unti nang nakaka-recover. Dinala niya ang mga ito sa Enchanted Kingdom para sa isang Christmas treat.

Kasama ang kani-kanilang mga magulang, doctors and nurses, isang buong araw nag-enjoy ang grupo sa iba’t ibang fun activities. Ayon kay Edu,  naramdaman niya nung oras na ‘yun na nakalimutan ng mga bagets ang kanilang sakit at nagpaka-normal sila na parang walang anumang nararamdaman o pinagdaraanan.

Edu established an out-patient facility, ang Adrian Manzano Cancer Wing (AMCW) sa Philippine Children’s Medical Center last February 3, 2011 bilang tribute sa kanyang namayapang ama na passion ang  pagtulong sa mga batang may sakit.

Ang AMCW lang umano ang nag-iisang chemotherapy and blood transfusion ward that specializes in treating children. At ang interior design pala nito ay playful ang look. So talagang hindi raw nai-stress ang mga batang pasyente na maglakad-lakad sa nasa­bing ward habang sila ay ginagamot. Painted daw ang walls nito in 26-color palette representing the 26 letters of the alphabet.

Tumatanggap ng paying patients ang AMCW pero very affordable daw ang charge na ang portion of the profits ay napupunta sa treatment ng mga batang can’t afford naman na magbayad.

Kapuso Foundation, kailangan ng volunteers

 Handa na pala ang GMA Kapuso Foundation sa pagres­ponde sa mga nasalanta ng bagyong Ruby bago pa man ito tumama sa bansa noong nakaraang Sabado.

Nagsimula na raw ang repacking sa GMAKF warehouse sa Maynila, GMA Cebu, Calbayog City sa Samar, at Kapuso Village sa Tacloban.

Patuloy ngayon ang Foundation sa pagtanggap ng mga donasyon kagaya ng bigas, de lata, noodles, gatas, kape, asukal, toothbrush, toothpaste, sabong panligo, sabong panlaba; at mga bagong banig, kumot, tuwalya, at tsinelas.

Maaring dalhin ang mga donasyon sa GMA Kapuso Foundation Office, GMA Network Drive cor. Samar St. Diliman Quezon City (928-7013/ 928-9351), o sa GMA Kapuso warehouse, 366 GMA Compound, Tandang Sora Avenue, Barangay Culiat, Quezon City. Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 am hanggang 6:00 pm.

Maaari ring mag-donate ng cash sa anumang branch ng Metrobank, UCPB, PNB at Cebuana Lhuillier.

Nangangailangan din ang Foundation ng mas marami pang volunteer para sa repacking. Para sa ibang impormasyon mag log on lang sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation

                                                            

Show comments