John Lloyd hindi pa rin nilalatagan ng panibagong kontrata ng ABS-CBN

Bakit kaya hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni John Lloyd Cruz  sa kanyang napipintong muling pagmirma ng kontrata sa Kapamilya Network?

May mga lumutang pang  balita na nakatakda umanong lumipat sa ibang TV network si JLC dahil may matinding tampo raw ang aktor sa kanyang home studio. Pero ang mga ito ay mananatiling espekulasyon hangga’t hindi pumipirma ng panibagong kontrata si JLC sa ABS-CBN o sa ibang network.

May nagsabi rin sa amin na humingi lamang umano ng one-month vacation sa ibang bansa si JLC kasama ang nobyang si Angelica Panganiban pero ngayong nakabalik na sa bansa ang magkasintahan ay wala pa ring bagong contract signing na nangyayari.

Sa pagkakaalam din namin, may reunion movie project si JLC with Pop Princess Sarah Geronimo pagkatapos ng team-up nina Sarah at Piolo Pascual na co-production ng Star Cinema at Viva Films.

Prinsesa ni Vic pinaka-magastos

Pinaghalong horror-comedy-fantasy ang trilogy movie nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon na My Big Bossing na magkakahiwalay na pinamahalaanan ng tatlong box-office directors na sina Tony Y. Reyes, Bb. Joyce Bernal, at Marlon Rivera na siyang nagdirek ng My Little Bossings last year na siyang nanguna sa MMFF box-office.

May temang horror ang Taktak episode na tinatampukan ni Marian Rivera. Comedy-fantasy naman ang dalawa pang episode na Sirena at Prinsesa.

Sa tatlong episode, ang Prinsesa episode ang pinakamalaki at pinakamagastos in terms of costumes and production value. Bukod kina Vic at Ryzza Mae, tampok din sa nasabing episode sina Nikki Gil, Zoren Legaspi, Niño Muhlach, Rafa Siguion-Reyna, Buboy Garovillo, Ruby Rodriquez, Sef Cadayona at ipinakikilala ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.

Show comments