Marami na ang nagdududa sa totoong relasyon nina Angeline Quinto at Erik Santos. Ewan ko naman kung bakit sila ang hindi mapakali at naghahanap ng butas sa relasyon ng dalawa, gayung ang dalawa naman ay kampante sa sinasabi nilang relasyon. Bakit nga ba?
Jennylyn at Cong. Ronald Singson baka naman nagkasalubong lang sa isang event
Hindi ako naniniwala na may romansa sina Jennylyn Mercado at Cong. Ronald Singson. Sinabi kasi ng aktres na wala siyang karelasyon sa kasalukuyan. Wala namang nabalita na nanligaw sa kanya ang ex ni Lovi Poe. Baka nagkasama lang sila sa isang event at binigyan agad ito ng kulay.
Coco ayaw ipapatay kay Kris ng fans
Kay Kris Aquino na mismo nanggaling na mas nakakatakot ang horror film na Feng Shui 2 na kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).
Magawa kaya niyang patayin ang character ni Coco Martin dito? Marami ang nagsasabi na ito dapat ang ending para maging kapani-paniwala, pero magagalit naman ang mga fans ng aktor kapag pinatay ang paboritong aktor sa movie.