Aktor nag-solong umakyat sa kaligayahan nang magpamasahe

Hanggang ngayon, kahit dekada na ang lumilipas, ay pinagkukuwentuhan pa rin sa isang network ang isang nakawiwindang na karanasang naengkuwentro ng isang masahista.

Isinama ng isang aktor ang babaeng tagapagmasahe sa kanyang condo unit, ang gusto raw kasi niyang masahe ay pangbuong katawan, hindi ‘yung sa studio lang na puro kamay, binti, balikat at likod lang niya ang namamasahe.

Sumama naman ang masahista dahil dati na nitong pinagseserbisyuhan ang aktor, maraming artistang kliyente ang masahista, hindi kagandahan ang babae at may kaitiman pa.

Pagdating nila sa unit ng aktor ay naligo muna siya, bawal kasing magbasa ng katawan pagkatapos ng masahe, nagsiguro na siya agad.

Kuwento ng aming source, “Okey naman ang masahihan nila, naghubo’t hubad si ____(pangalan ng aktor na hindi na kabataan pero hindi pa rin naman katandaan), kumot lang ang pang­t­akip sa tapat ng maselang part ng body niya.

“Pero naramdaman ng masahista na habang tumatagal ang masahihan nila, e, parang nagiging mekaniko na ang aktor, tumataas na ang jack niya, pero deadma lang ang babae.

“Hanggang sa nakiusap na ang aktor sa girl na kung puwede, e, pakilaro ang kanyang sandata. Tumatanggi ang girl, pero nang mismong si aktor na ang naglagay ng kanang kamay ng masahista sa tapat ng kanyang sandata, wala nang nagawa ang babae.

“Hindi ginalaw nu’ng aktor ang katawan ng girl, basta ‘yung request lang niya ang naganap, bumiyahe lang siya nang mag-isa sa kaligayahan,” kuwento ng aming source.

Kapag nagkakasalubong sa studio ang aktor at ang masahista ay umiiwas na ang babae. Baka raw kasi i-take home na naman ito ng aktor, napilitang magtapat ang masahista sa kanyang mga kasamahan nang makahalata ang grupo kung bakit iwas na iwas ito sa guwapong aktor.

Ubos!

Korina pini-personal na!

Inaalat talaga si Korina Sanchez. Bawat pagbibitiw niya ng mga salita ngayon, sa TV man o sa radyo, ay binabantayan-minamarkahan ng mga taong naghahanap ng butas sa kanyang pagkatao.

Konting sabihin lang niya ay malaking isyu na agad, magkomento lang siya tungkol sa isang paksa ay may kumokontra na agad sa kanya, isang malaking isda sa aquarium nga­yon ang magaling na news anchor na sinisilip ng lahat ng mga dumadaan.

At hindi magandang signos para kay Korina ang bagyo, nu’ng nakaraang taon nang manalanta ang bagyong Yolanda ay ang CNN correspondent pang si Anderson Cooper ang kanyang nakasagutan, nang umariba naman ang bagyong Ruby ay sumabit siya sa isang komentong hindi niya naman sinasadya.

Kuwentong-Japan ang kinapapalooban ngayon ni Ate Koring, sa Kabayang Noli de Castro ang nagpasimula ng banter na sana’y sa Japan na lang lumihis ang bagyo, sinabi naman ni Korina nang walang malisya na sa kanila na lang sana lahat at huwag nang isali pa ang Pilipinas.

Dahil du’n sa simpleng komentong ‘yun ay matitinding upak na agad ang tinanggap ni Korina, talagang naghihintay lang ng butas ang kanyang mga bashers, kaya kapag sumablay siya ay kasunod na agad ang mga pambabatikos sa kanya.

Kung kilala nga namin ang magaling na news anchor ay hindi niya gugustuhing pahirapan ang mga Japanese, walang-wala sa kanyang isip ang ganu’n, nagkataon lang na hindi pumasa sa panlasa ng kanyang mga bashers ang iginanti niyang komento kay Kabayang Noli.

Nakakalungkot lang isipin na may mga na­memersonal talaga kay Korina Sanchez.

Show comments