Gretchen nagpakumbaba sa kaaway

Noong Martes ng gabi ay nagkaayos na sina Gretchen Barretto at Jobert Sucaldito. Nagkaroon umano ng isyu sa pagitan ng dalawa dahil sa ilang kontrobersyal na mga salitang nabitawan diumano ni Jobert noon tungkol sa aktres. Napadaan si Gretchen sa DZMM radio booth pagkatapos ng taping niya sa ABS-CBN Christmas special. Pasakay na dapat ng kotse ang aktres nang makitang on-air si Jobert. Nagpasya na raw na pumasok ang aktres sa booth kaya nakapag-usap ang dalawa. “Ang haba ng pinagsamahan natin sa industriyang ito. No matter what you say against me or what you might say in the future, at this state in my life, hindi na ako puwedeng ma­galit. I’m here to just say that I think I’m in a good state right now,” nakangiting pahayag ni Gretchen.

“If there’s one thing na nakarating sa ‘yo that offended you, I’d like to say sorry. I’m not just being a gentleman. Sabi ko nga, may mga bagay na part ng trabaho natin na minsan nakakapitik ka,” sagot naman ni Jobert.

Nagkapatawaran ang dalawa pagkatapos ng mahabang panahon na hindi sila nakakapag-usap. “I’m sorry, I really am sorry. Hindi naman kasi tayo perfect. Dito sa showbiz, napakabilis kasi ng buhay natin. Let’s face it, nakakalunod din ang tagumpay. When you’re around people who praise you everyday, nakakalunod. That’s why it’s important to pray para hindi natin nakakalimutan na, ‘Hoy! Tao ka lang ha,” makahulugang pahayag ni Gretchen.

“I’m very glad that you’ve forgiven me if I’ve wronged you. Isang malaking bagay ‘yon sa akin Gretchen, for the rest of my life. Bihira kasi nangyayari ‘yon. What you’ve done for me malaking bagay sa akin ‘yon,” muling sagot ni Jobert.

Masayang naghiwalay ang dalawa ng gabing iyon dahil naayos na ang gusot sa pagitan nila.

Matteo tapos na ang ‘problema’ kay Sarah

Napapanood na ngayon sa telebisyon at Internet ang rendition ni Sarah Geronimo ng Disney song na The Glow. Proud na proud ang kasintahan ni Sarah na si Matteo Guidicelli para sa dalaga, dahil napapanood ito sa buong mundo. “I’m very proud. Disney ‘yan eh. Sobrang proud po ako sa kanya. She’s very proud also. Congratulations to her,” bungad ni Matteo.

Nasorpresa raw ang aktor nang ma­balitaan niya ang tungkol sa proyektong ito ni Sarah.

Samantala, kapansin-pansin ang magandang aura ng Popstar Princess sa The Voice of the Philippines ngayon. Marami ang nagsasabing iba raw talaga ang dating ni Sarah dahil sa pagkakaroon ng kasintahan ng singer-actress. “Sinasabi ko nga sa lahat, ‘Ang ganda ng girlfriend ko ‘no?” nakangiting pahayag ng aktor.

Maayos na raw ngayon ang relasyon ni Matteo sa mga magulang ni Sarah na kilala sa pagiging istrikto sa anak. “Okay naman lahat. Everything’s good. Nagiging smooth naman lahat, pero siyempre meron namang challenges lahat ng relationships ‘di ba? Napagdadaanan naman natin lahat ‘yan,” makahulugang pahayag ni Matteo.                    

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments