Pananahimik ni Kathryn kinaiinisan ng maka-Jasmine

Marami naman ang tinanggap na hindi maganda ang kawalan ng reaksyon ni Kathryn Bernardo sa tangkang pakikipag-ayos sa kanila ni Daniel Padilla ni Jasmine Curtis Smith. Katwiran nila mahirap sa parte ni Jasmine ang ginawa niya, pero ginawa pa rin niya para maayos ang gulo.

Kung hindi ‘yun minabuti ni Kathryn, problema na niya ‘yun, At ayaw na niyang magsalita para hindi na lumala pa ang isyu.

Vina kayang pataubin ang mga baguhang singer

Marami ang nasosorpresa na nagagawang sabayan ni Vina Morales ang marami nating magagaling na manganganta. Ang hindi nila batid ay kung gagawa tayo ng listahan ng limang pinakamagaga­ling ­na­ting performer, makakasama sa top 3 si Vina.

Nun pa talaga ma­ga­ling ‘yan kaya lang nagbawas ng trabaho nang magkaanak. Pero nga­yon ma­laki-laki na ang anak niya kaya hindi lamang ang pag-aartista niya ang na­babalikan niya kundi maging ang singing niya. Ipag­patuloy mo yan, Vina.

‘Wag munang magsisihan at magpaka-nega

Maganda talaga kung pinag­ahandaan natin ang mga dumara­ting na kalamidad sa bansa, lalo na ang bagyo. Meron man casualty na nangyayari, hindi naman ganun karami. At huwag tayong manisi kapag umiiba ng landas ang bagyo na para bang pinanghihinayangan natin ang inaasahan nating pagdating nito. Sa mga ganitong panahon, tama na muna ang kanegahan at pagsisisihan.

 

Show comments