^

PSN Showbiz

Pagragasa ng Ruby kasabay ng kasal ni Aiza! Boy Abunda pararangalan sa Pink festival ng QC

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sinimulan na kagabi ang QC International Pink Film Festival na binuksan sa Trinoma Cinema.

Isa lamang iyun sa mga pagdiriwang ng grupo ng LGBT kung saan magkakaroon ng Gay Pride Parade na iikot sa buong Quezon City sa December 13.

Malaki ang pasasalamat ng buong LGBT community kina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte sa suportang ibinigay sa kanilang mga proyekto.

Isa sa paparangalan ng LGBT ay si Boy Abunda na all-out ang suporta sa ipinaglalaban ng naturang grupo na pantay na pagtrato sa lahat, bakla ka man, tomboy o ano.

Sabi ni Kuya Boy, “Paulit-ulit naman naming sinasabi na we’re not asking for special rights. We are asking for equal rights, and we’re talking about human rights.

“Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng Quezon City dahil sa kanilang pagbigay-halaga at pagpansin sa mga karapatan at pangangailangan at pagkatao ng LGBT people.”

PAK: Isa rin sana sa gustong parangalan ng LGBT ay si Aiza Se­guerra, pero hindi ito makakadalo dahil sa pagpapakasal nila ni Liza Diño.

December 8 sa Amerika ang schedule ng kanilang kasal, at nakikita sa mga post nina Aiza at Liza ang excitement sa mahalagang araw na iyun.

Ang huling ipinost ni Aiza sa kanyang Instagram (IG) account ay ang parang prenup pictorial nila ni Liza na kuha sa UP Diliman kasama pa ang anak ni Liza.

Doon ikinuwento ni Aiza kung gaano kahalaga ang UP sa kanila.

Sabi niya: “Napakalaking bahagi pa rin ang UP sa atin. Dito tayo unang nagkita ulit. Dito tayo nagdi-date. Dito kita tinanong kung gusto mo ba akong makasama habang buhay. Dito mo ako sinagot ng ‘Oo’.”

BOOM: Kasama sa special guests ang winners ng The Voice Kids sa isang Christmas party ng isang malaking kumpanya.

Agree ang karamihan na mas magaling talaga si Darren Espanto kesa sa grand winner na si Lyca Gairanod.

Hindi raw magkamayaw sa pagtili ang mga empleyado ng naturang kumpanya nang kumanta na si Darren dahil napakagaling naman talaga.

Nadismaya raw sila kay Lyca nang kumanta ito dahil merong bahagi raw ng kantang hindi na niya naabot. Para hindi mahalata, inabot daw niya ang mic sa audience para ituloy ang kanta.

Kaya marami ang nagsasabing matatalbugan na talaga ni Darren si Lyca pagdating sa kantahan.

 

vuukle comment

AIZA

AIZA SE

BOY ABUNDA

DARREN

DARREN ESPANTO

DITO

GAY PRIDE PARADE

ISA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with