Legs ni Kathryn puntirya ng mga nang-iintriga

SEEN: Inalis ni Pia Guanio ang outdoor Christmas decors sa bahay niya bilang paghahanda sa pagdating ng Typhoon Ruby sa Metro Manila.

SCENE: Ang pasasalamat ni Lani Misalucha sa lahat ng mga nanood ng concert niya sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado sa kabila ng banta na pananalanta ng Typhoon Ruby sa bansa.

SEEN: Ang live 24-hour informative coverage ng CNN Philippines ng RPN 9 sa Typhoon Ruby mula noong Sabado. Mahirap lang panoorin ang live report ng CNN Philippines reporter na si David Santos dahil may mga pagkakataon na nauubusan siya ng mga sasabihin.

SCENE: Pinayagan sina Elmo Magalona at Chynna Ortaleza na i-promote sa Sunday All Stars ng GMA-7 ang #Y, ang pelikula na maipalalabas sa mga sinehan sa December 10 dahil sa Star Cinema.

SEEN: Hindi kabawasan sa pagkatao ni Kathryn Bernardo ang iniintriga na hugis ng kanyang mga binti dahil hindi ito naiiba sa mga binti nina Richard Gomez at Cesar Montano na parehong successful ang mga showbiz career.

SCENE: Ikinalungkot ng fans ni Marian Rivera ang pamamaalam sa telebisyon ng Marian noong Sabado. Hinihiling nila sa management ng GMA-7 na ibalik ang Saturday night show ni Marian pagkatapos ng pagpapakasal ng aktres kay Dingdong Dantes.

SEEN: May hamon sa GMA-7 producers na gumawa sila ng programa na maituturing na flagship show ng Kapuso Network.

 

Show comments