Pacman nagiging nega sa ginagawang panghuhula

Nagpapaka-Nostradamus ba si Manny Pacquiao sa kanyang mga bi­nibitawang salita tungkol sa mga kaganapan sa mundo? Sana hindi, dahil nega ang magiging pagtanggap dito ng mga tao. Pakatapos ba ng mga bug­bugang sinasalihan niya sa ring na itinu­turing niyang trabaho ay matatawag niya ang kan­yang sarili na free from sin? There are other means of making money nang wala siyang sinasaktang tao.

Lea hindi ma-take ‘pag iniimbyerna

Mahirap bang pagbigyan si Lea Sa­lon­ga kung ayaw niyang may live audience ang The Voice of the Philip­pines? Mukha kasing ayaw niya na na­­ka­karinig ng mga negatibong komento mula sa audience kaya gusto niyang sila lamang mga coaches, production people, at mga contestant ang nasa loob ng studio. Paano kung hindi puwede, ipagpipilitan rin ba niya? Baka puwede siyang pakiusapan na huwag nang pansinin ang sinasabi ng audience o ang audience ang pakiusapan na huwag nang magkomento o mag­salita ng anything against the coaches, lalo na kay Lea.

Bangayan nina Carla at Geoff dapat tantanan na rin

Kailan kaya matatapos ang patutsadahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann? Hindi na kasi magandang pakinggan at nakasisira na ng kanilang imahe. To think na nagmahalan naman sila nu’n.

Mel at Mike hindi dapat nag-aaway

Sana naman walang katotohanan na may gap sina Mel Tiangco at Mike Enriquez. Hindi ito magandang senyales sa kanilang trabaho at makasisira ng kanilang kredibilidad kung sakali. Pero kung mag-aaway sila ng matahimik at walang patutsadahan, eh ‘di humayo sila. Pero ayusin nila agad ang kanilang problema. Malalaki na sila at alam na nila ang masama sa hindi!

Show comments