Dahil sa Facebook, TV personality nabuko na nag-recycle ng regalo

Pahamak ang social media dahil nabuking ang pag-recycle ng isang TV personality sa regalo na ibinigay sa kanya.

Nakita sa Facebook ng  original sender ang regalo niya sa TV personality  na ibinigay nito sa ibang tao. Nadismaya ang gift sender dahil hindi nagpasalamat sa kanya ang TV personality na binigyan niya ng regalo pero nagawa nang pinagbigyan ng regalo na magpasalamat sa recycled gift na natanggap.

‘Yan ang isa sa mga disadvantage ng social media, nabubuking ang pagre-recycle ng mga regalo.

Hindi ko idine-deny na nagre-recycle rin ako ng mga regalo pero honest ako dahil sinasabi ko sa mga pinagbibigyan ko na recycled gift ang mga ibinibigay ko sa kanila. Hindi ako nagpapanggap at in fairness to me, sosyal at expensive ang mga recycled gift ko na mabuti nang pakinabangan ng ibang tao kesa nakatambak lang sa bahay. Hindi naman kasalanan ang mag-recycle ng mga Louis Vuitton, Goyard Hermes, Prada, at Apple items ‘di ba?

Pinay talunan din sa Miss Supranational

Hindi lucky ngayong 2014 sa mga international beauty contest  ang ating mga representative.

Second runner up lang sa Miss Intercontinental si Kris Tiffany Janson  at Luz Valdez naman sa Miss Supranational 2014 si Yvethe Marie Santiago.

Kahapon ang coronation night ng Miss Supranational sa Poland pero pumasok lang si Santiago sa Top 20 candidates. Nabigo siya na ma-duplicate ang tagumpay ni Mutya Datul na winner ng Miss Supranational noong nakaraang taon.

Nakaabang ang lahat sa Miss World na mangyayari sa December 14 dahil ito ang judgment day para kay Valerie Weigmann. Hoping ang mga Pinoy na masusundan ni Valerie ang tagumpay ni Megan Young sa Miss World.

Ang Miss Universe 2014 ang last international beauty pageant na sasalihan ng isang Pinay, si Mary Jane Lastimosa na lalaban sa Miss Universe 2014 pero magaganap sa 2015.

Sa totoo lang, hindi na gaanong big deal sa mga Pinoy ang mga international beauty pageant dahil sampu-sampera na ito at wala nang ipinagkaiba sa dami ng mga award-giving body sa Pilipinas.

Tapos na ang golden era ng mga international beauty contest, ang panahon na talagang ipinagbunyi ng bansa ang tagumpay nina Gloria Diaz at Margie Moran sa Miss Univerese, Gemma Cruz at Melanie Marquez sa Miss International.

Bong puro pelikula pa rin ang naiisip kahit nasa kulungan na

Si Senator Bong Revilla ang na-miss ng entertainment press at ng TV cameramen sa presscon ni MMDA Chairman Francis Tolentino para sa Metro Manila Film Festival 2014.

Feel na feel ng media ang absence ni Bong dahil sa tuwing may mga pelikula ito na kasali sa MMFF, siya ang nagpapatawag ng pinakamaraming presscon.

Hindi rin nawawalan si Bong ng mga Christmas party para sa entertainment media at kadalasan, siya ang buena mano.

The feeling is mutual dahil nami-miss ni Bong ang kanyang mga kasamahan  sa industriya at ang annual Christmas party  niya para sa entertainment writers, TV reporters, at cameramen. Hindi na talaga kumpleto ang MMFF dahil dalawang taon nang walang pelikula na kasali si Bong at ang kanyang movie outfit.

Alam ko ang nararamdaman ni Bong dahil ito ang napag-usapan namin sa huling dalaw ko sa kanya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame noong Miyerkules. Kahit wala siyang freedom, ang kapakanan pa rin ng movie industry ang iniisip ni Bong, lalo na ang mga tao na nawalan ng trabaho nang hindi siya gumawa ng pelikula para sa MMFF.

Show comments