Mga batang namatay sa bangin, didiskubrihin ang nangyari ng Magpakailanman

MANILA, Philippines - Ang kabataan ang kinabukasan ng bayan. ‘Yan ang isa sa mga paniniwalang pinanghahawakan ng mga taga-Buguias, sa probinsya ng Benguet. Kaya naman kahit isang oras mahigit ang kailangan lakarin para makarating sa paaralan ay tinatiyaga nila ito. At tuwing may mga sasakyan na maaaring magsakay ng mga estudyante, mag-aalok ang mga driver nito para makatulong sa mga kabataang nag-aaral. 

Ngunit nitong nakaraang Set­yembre, isang nakagigimbal na trahedya ang nangyari sa isang grupo ng mga estudyante na nais lamang makapag-aral at ma­katapos para tumulong sa kani-kanilang mga pamilya. Sa isang biyahe pauwi, nagloko ang jeep na kanilang sinasakyan at nahulog ang jeep sa bangin.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tuklasin ang mga kuwento ng buhay ng mga batang nasangkot sa trahedyang ito, ang kanilang mga pangarap, at alamin kung ano ang nangyari sa tat­long tanging nakaligtas mula sa nang­ya­ring aksidente.

Itinatampok sa episode na ito sina Joyce Ching, Joanna Marie Tan, at Kim Rodriguez. Kasama rin sina Renz Valerio, Ash Ortega, Elle Ramirez, Susan Africa, Glenda Garcia at Ms. Jaclyn Jose. 

Mula sa direksyon ni Ricky Davao, huwag palagpasin ang Magpakailanman – Benguet Jeepney Tragedy: Sa Bangin ng Kamatayan, ngayong Sabado (December 6), pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

Show comments