Kathryn hindi pa rin tinatalaban ng mga panlalait

Dapat ay masayang-masaya na ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo dahil mayroon na naman siyang panibagong accomplishment, ang pa­giging isang recording star. In the can na ang kan­yang kauna-unahang 5-song mini CD na nag­la­­laman ng mga talagang potential hits. Mga revival ito ng kantang pinasikat noon ng mga kilalang singer natin at binigyan ng panibagong lasa ng ka-loveteam ni Daniel Padilla. Pero bakit sa kabila ng pagpupursige niya na madagdagan pa ang kanyang mga na­gagawa ay panay pa rin ang pam­ba-bash kay Kathryn sa social media? Hindi naman masasabing bano ang young acress sa pagkanta. Kumpara sa ma­raming nagkaroon ng album ay may boses naman siya.

Dedma lang si Kathryn sa mga ba­sher niya. Hindi naman talaga sila ang puntirya niya na mapasaya, kundi ang marami niyang tagasubaybay at maging ng kapareha niyang si Daniel. 

Didith Reyes aalalahanin sa isang memorial concert

Magkakaroon ng isang memorial concert para kay Didith Reyes na Remembering Di­dith Reyes. Ito ay para gunitain ang kanyang ika-anim na taon ng kamatayan. Magaganap ito sa Disyembre 11 sa Mo­welfund Plaza grounds, 66 Rosario Drive, New Manila, QC.

Itatampok sa tribute sina Anthony Castelo, Miguel Castro, Filipino Pop Tenors, Dell  Ramirez, at The Detours ng Walang Tulugan with the Master Showman, The Big 3 Sullivans, at Amazing Diva Armie Zuniga.

Si Pablo Vergara ang musical director ng nasabing concert.

Para sa libreng imbitasyon, tumawag o mag-text sa 09159375703 o 09174773021.

Arjo na-in love sa madre, Yen umibig sa pari

Pagmamahalang itinakda ng tadhana ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi sa pamamagitan ng naiibang love story sa pagitan ng pari na si Francis (gagampanan ni Arjo Atayde) at ng isang madre na si Joanna (gagampanan ni Yen Santos).

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa nang himukin ni Sis. Joanna si Fr. Francis na makiisa sa isang non-government organization na tumutulong sa mga militanteng grupo. Mula sa pagiging simpleng magkakakilala na sabay nagma-martsa sa Mendiola, naging mas malapit sina Fr. Francis at Sis Joanna. Dahil sa maraming bagay na pinagkikwentuhan nila gaya ng kanilang piniling bokasyon, ang pagnanais na makatulong, at makapagsilbi sa kanilang kapwa, maging ang kanilang personal na buhay.

Dahil sa labis na saya na dulot ng madalas nilang pag-uusap at pagsasama, umusbong sa pagitan ng magkaibigang Fr. Francis at Sis. Joanna ang isang es­pesyal na pag-ibig-isang damdaming nagtulak kay Sis. Joanna na iwan ang kanyang bokasyon upang iligtas ang kanyang minamahal sa posibleng pagbitaw sa kanyang pagpapari.

Paano magagawa ng kanilang pag-ibig na higit pang mapalalim ang kanilang relasyon sa Panginoon?

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

Show comments