Andre halos hindi na maisiksik ang basketball sa rami nang ginagawa
I’m sure mag-aalala si Kobe Paras kapag nalaman niya na may posibilidad na hindi ma-prioritize ng kapatid niyang si Andre Paras ang paglalaro nito ng basketball.
Bukod sa pag-aartista ni Andre na alam naman ng lahat na malakas kumain ng oras, isa rin itong VJ, estudyante, product endorser, at ngayon ay nagbabalak ding magka-career bilang rapper.
“Pinakagusto kong ma-accomplish ay makatapos ng studies ko. Ito rin ang madalas ipangaral sa akin ng dad ko. Time management lang ang kailangan at alam ko, I can do so many things. Like my brother, hindi ko pwedeng pabayaan ang basketball. I dream of making it to the professional level. Pero gusto ko ring ma-improve ang acting ko. Andito na ako, paghuhusayan ko na rin,” pangako ng aktor.
Derek hindi na nakatiis sa mga intriga ng paglipat
Hindi ang Star Cinema ang nag-offer ng pelikula kay Derek Ramsay kundi ang sister company nitong Starlight Films. Bago pa lumala ang isyu, minabuti ni Derek na ipahayag na hanggang Marso pa tatagal ang kanyang kontrata sa TV5. At kahit matapos ito, hindi siya naniniwala na matatapos din ng ganun kadali ang mga proyekto na inilatag sa kanya ng network.
- Latest