Barbie walang respeto kay Ryan! Mga kapitbahay wala rin daw reklamo Pacman itinangging ibinibenta ang mansion sa Forbes Park
PIK: Hindi namin mapigilang maluha nang maglabas ng VTR ang TV5 ng mga miyembro ng movie press na sumakabilang buhay na.
Bago nagsimula ang Christmas party nila para sa movie press, nagdasal muna ang lahat at pagkatapos nu’n ay nagbigay ng ilang minutong pagdarasal sa ilang miyembro ng press na pumanaw kagaya nina Ernie Enrile, Ernie Pecho, Mar de Guzman, at Monching Jaramillo.
Doon na rin in-announce ng Kapatid network na magkakaroon sila ng countdown sa pagsalubong ng 2015, na kung saan ay may bonggang fireworks display. Inaasahang mas happy ang lahat na mga viewers sa ihahaing mga bagong programa ng TV5 sa susunod na taon.
PAK: Masayang ikinuwento ni Ryan Eigenmann sa presscon ng indie film niyang Mulat na hanggang March 2015 na raw ang The Half Sisters.
Tuwang-tuwa raw sila dahil hindi nila akalaing aabot ng halos isang taon ang naturang afternoon drama ng GMA-7.
Lalo raw silang naging close sa set lalo na sa mga apat na bida na laging kabiruan ni Ryan.
Parehong close raw siya kina Barbie Forteza at Thea Tolentino pero nakikita raw niyang medyo takot pa sa kanya si Thea kaya parang nahihiya pa ito. Hindi raw kagaya ni Barbie na lagi raw niyang kabiruan. “Wala nang respeto sa akin ‘yan eh,” natatawang kuwento ni Ryan.
Mas may respeto nga raw si Thea sa kanya kesa si Barbie na sobrang kumportable na sa kanya.
Ang maganda lang daw iba na ang bonding nila sa set lalo na’t magtatagal pa silang magsasama sa taping.
BOOM: Nilinaw ni Manny Pacquiao ang kumalat na isyung binebenta na raw niya ang mansion niya sa may Forbes Park, Makati.
“Hindi ko naman binibenta. Kung may interesadong bumili baka ibenta ko,” pakli ng ating Pambansang Kamao sa victory party na ibinigay ng dating Ilocos Governor Chavit Singson.
Wala naman daw nakarating sa kanya na reklamo ng mga kapitbahay at ilang residente sa Forbes. Pero nahihiya na raw siya dahil alam niyang nagugulo na raw ang karamihang residente doon dahil sa rami ng mga taong pumupunta sa kanila.
Hindi naman daw niya puwedeng ipagbawal ang mga gustong pumunta sa kanya, kaya para hindi na magugulo ang mga taga-Forbes, baka ibenta na nga raw niya ang bahay kung may interesado nito.
- Latest