Naghiwalay si Jake Cuenca at ang kanyang Filipina-Australian girlfriend na si Chanel Olive Thomas nang mag-aral siya sa isang acting school sa New York.
May posibilidad na magkabalikan ang dalawa dahil sinabi kahapon ni Jake sa presscon ng Mulat na magkaibigan sila ng kanyang ex-girlfriend at gusto niya na magkabalikan sila.
Ngayon ang biyahe ni Chanel sa Cambodia para sa isang pictorial at si Jake ang naghatid sa kanya kahapon sa airport. Malaki ang tsansa na magkaroon sila ng reconciliation dahil open ang kanilang communication lines.
Ang Mulat ang pelikula na nagbigay kay Jake ng best actor award sa 2014 International Film Festival in Manhattan sa New York. Mapapanood sa mga sinehan sa Pilipinas ang Mulat dahil official entry ito sa New Wave Category ng Metro Manila Film Festival 2014.
Naka-move on na sa desisyon ng Sandigan Sen. Bong tanggap na sa kulungan magpa-Pasko
Wala si Senator Jinggoy Estrada nang dalawin ko si Senator Bong Revilla, Jr. sa PNP Custodial Center ng Camp Crame noong Miyerkules.
Hindi kami nagpang-abot ni Papa Jinggoy dahil nagpunta siya sa Cardinal Santos Medical Center para sa kanyang physical therapy.
Si Bong ang nagkuwento na ikinalungkot din ni Papa Jinggoy ang desisyon ng Sandiganbayan First Division na ibasura ang kanyang bail petition.
Normal lang na malungkot sina Bong at Papa Jinggoy dahil umasa sila na makakapagdiwang ng Pasko sa kani-kanilang mga tahanan pero gaya nang sinabi ko, madaling matatanggap ni Bong ang nangyari dahil matibay ang kanyang loob at malaki ang pananalig niya sa Diyos.
Misis ng produ ng Starlight Films pumanaw sa sakit na TB
Ikina-upset ko ang balita na pumanaw noong Miyerkules ang aking kaibigan, ang movie producer na si Kiat Pascual.
Si Kiat ang napakabait na misis ni Wilson Pascual, ang producer ng Starlight Films.
Ayon sa nag-iisang anak nina Kiat at Wilson na si Kim, tuberculosis of the spine ang ikinamatay ng kanyang ina. Hindi ako pamilyar sa nasabing sakit na bago sa pandinig ko kaya nagtanong ako.
Nag-research sa Internet ang isa sa mga pinagtanungan ko at ito raw ang definition ng website na ehow.com tungkol sa ikinasawi ni Kiat; “Tuberculosis (TB) is an infection that usually occurs in the lungs (tuberculosis bacillus); but sometimes it happens in the spine.
“When it occurs in the spine, it is referred to as Pott’s disease, or tuberculosis spondylitis, and the bacteria that causes the infection is Mycobacterium tuberculosis.”
Sina Kiat at Wilson ang nag-produce ng May Pag-ibig Pa Kaya, ang pelikula ni Judy Ann Santos noong 2002. Gumawa rin sila ng mga sexy film noong araw.
Nakaburol ang mga labi ni Kiat sa Sanctuarium sa kanto ng Araneta Avenue at Quezon Avenue, Quezon City.
Balita kay ‘Hagupit’ nakaka-tense!
Nakaka-tense naman ang mga headline sa mga news program na posibleng maging kasing-lakas ng Typhoon Yolanda ang Typhoon Ruby na may international code na Hagupit.
Hindi nagkulang sa paalaala ang mga government agency na paghandaan ang pagdating ng Typhoon Ruby sa ating bansa.
Araw-araw na ipinagdarasal sa mga lahat ng mga misa sa simbahan ang nalalapit na pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas sa susunod na buwan. Isama na rin sana sa mga dasal sa misa na iligtas ng Panginoon mula sa kalamidad ang ating bayan na hindi pa nakaka-recover sa perwisyo na iniwan ng Typhoon Yolanda.