Napaka-gentleman talaga ni Derek Ramsay para sakyan ang pagbubuntis ng ex niyang si Cristine Reyes para sa promosyon ng MMFF 2014 movie niya. Ang sinabi lamang niya ay happy siya na preggy si Cristine at updated siya rito dahil katwiran niya ay friends sila ng aktres.
Samantala, hindi naman pala kasing-laki ng hinihingi ng ex niya ang kinailangang ilabas ni Derek para lang magkasundo sila at makapiling niya ang kanyang anak. Ano na lang naman siguro ang halaga na kailangan niyang ilabas kung ang kapalit naman nito ay ang pagkakaayos nila at ang pagsisimula ng relasyon nila ng anak niya.
Anyway, patuloy naman ang pagkita niya, Mababawi rin niya ito agad-agad!
Asawa ni Pip, napapayag umarte
O, tingnan mo nga naman at pati ang misis ni Tirso Cruz III na si Lyn Ynchausti ay pinasok na rin ang pag-aartista. Aba, maganda siguro ang role niya sa English Only, Please kaya siya napapayag. I’m sure hindi lang ngayon na-offeran si Lyn, pero the fact na pumayag siya siguradong may magandang dahilan.