Cristine babae ang ipinagbubuntis!

PIK: Nung December 1 nagsimulang mag-countdown si Dingdong Dantes sa kasal nila ni Marian Rivera.

Sabi niya noon, kapag nakikita raw niya sa Instagram account ang countdown ng fans nila, kinakabahan daw siya lalo. Kaya minsan ay ayaw na raw niyang tingnan at magbilang. Pero nung pagtuntong ng Disyembre ay siya na mismo ang nag-countdown at ipinu-post nito ang pre nup pictorial nila ni Marian.

PAK: Nakisawsaw si DJ Mo Twister sa isyu ng pagbabawal ng The Valkyrie Palace sa mga cross-dresser.

Si Vice Ganda na isa sa mga may-ari nito ang tinira niya sa kanyang Instagram account.

Sabi niya: “So a cross-dresser wasn’t allowed to enter Valkyrie - yet

Vice Ganda is a part owner. Hypocrisy! What next? No horses allowed either? Geez!”

Sabi ng ilang kaibigan ni Vice Ganda, ‘wag na raw ito papatulan ng comedian/TV host dahil mas matutuwa pa ito.

BOOM: Nagpa-Gender Reveal party pa ang magkasintahang Ali Kathibi at Cristine Reyes para malaman ng pamilya at malalapit na kaibigan na baby girl ang ipinagbubuntis nito.

Pag-slice ng cake, pink ang color sa loob kaya doon na-reveal na baby girl ang dinadala nito.

Pareho sila ni Ara Mina na baby girl din ang magiging anak nila ni Mayor Patrick Menezes, at kabuwanan na nito ngayon.

Si Jennylyn Mercado ang isa sa masaya kay Cristine dahil noon pa raw nito gustong mabuntis. May communication daw sila sa kanilang Viber group, at nagkukumustahan daw sila.

Inggit na inggit daw si Cristine kapag nakikita niyang may bitbit na anak ang mga kasabayan niya sa Starstruck 1.

Sa grupo raw nila sina Sheena Halili at Jade Lopez na lang daw ang walang baby, kaya ayaw daw magpahuli ni Cristine.

“Matagal na matagal na niyang hinihintay ‘yun eh. Happy ako na finally natupad na ang gusto niya,” pahayag ni Jennylyn sa presscon ng English Only, Please.

Show comments