Parehong gusto ng bride and groom-to-be na sina Bianca Gonzales at JC Intal na maging tahimik at pribado ang kanilang wedding rites na gaganapin sa isang out-of-town undisclosed place on December 10 (Wednesday) with Fr. Tito Caluag officiating the ceremony. Pero ang wedding reception ay gaganapin sa Araneta Coliseum kung saan magsasama-sama ang respective families and friends ng ikakasal.
Ang mag-asawang Sen. Allan Peter Cayetano at Taguig Mayor Lani Cayetano ang mangunguna sa mga tatayong principal sponsors na kabibilangan din nina Boy Abunda, Kris Aquino, negosyanteng si Ramon Ang, TV newscaster Karen Davila, ABS-CBN TV executive-director Laurenti Dyogi, basketball legend Norman Black at iba pa.
Unlike other bride-to-be, hindi nagpagawa ng wedding gown sa isang kilalang fashion designer si Bianca at sa halip ay bumili siya ng RTW na may tatak na Rosa Clara na gustong-gusto niya nang isukat.
Ang fashion stylist na si Liz Uy ang wedding stylist ni Bianca with former supermodel Lala Flores doing her makeup habang si Alex Carbonell naman ang gagawa ng kanyang hairdo at si Robert Blancaflor naman ang bahala sa flower arrangements.
Si Bianca ay dating kasintahan ng director-turned congressman na si Lino Cayetano, nakababatang kapatid nina Sen. Pia at Allan Cayetano. Hindi man nagkatuluyan sina Bianca at Direk Lino, nanatiling close si Bianca sa pamilya ng dating nobyo.