MANILA, Philippines – Nakakailang tingnan ang halikan nina Freddie Aguilar at asawang nag-debut the other day lang. Ewww parang nakaka-ewan. Parang feeling mo, mag-lolo lang sila habang nagpapa-interview sa TV Patrol. At hindi lang basta apo, puwede pang apo sa tuhod. Lol.
Actually, maganda naman si girlet pero hindi lang kakinisan ang mukha at talagang hindi mo maubos maisip na nagtutukaan ang dalawang lampas pa sa May-December affair.
Oh well, kaligayahan naman nila ‘yan. Pero sana lang hindi na nila ibinabandera sa madla. Hindi magandang panoorin lalo na ng mga bata.
May puwede kayang action sa ganitong “palabas” ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)?
Jokes at pick-up lines ni Sen. Miriam Santiago, nasa libro na
Kilala si Senator Miriam Defensor Santiago bilang pulitikong walang-takot na ipaglalaban ang kanyang prinsipyo. Pero nababansagan din siyang joker dahil sa kanyang mga biro at pick-up lines sa anumang uri ng kaganapan: mapa-privilege speech, interbyu, o press conference.
Dahil sa hiling ng nakararami, maglulunsad ang Iron Lady ng Asya ng aklat ng kanyang mga pinagsamang jokes, one-liners, pick-up lines, comebacks, at speeches na pinamagatang, Stupid is Forever.
Ang Stupid is Forever ay naging posible dahil sa ABS-CBN Publishing at ito ay magkakaroon ng launch ngayong Disyembre 3 (Wednesday) sa National Book Store, TriNoma at may meet and greet kay Senator Miriam Defensor Santiago alas-2:00 ng hapon.
Kaya ‘wag palampasin ang pagkakataong bumili at magpa-sign ng sariling kopya ng librong Stupid is Forever. Wala lang akong idea kung magkano ang bawat kopya ng libro.
Aktres hindi nagtagumpay sa pagpapapansin sa tennis superstar
Ang cute ng anak ni Dyan Castillejo na isa sa mga naging pulot boys sa katatapos na International Premier Tennis League (IPTL) sa bansa.
Ang bilis tumakbo ni bagets na pamasid-masid sa mga international tennis superstars na naglaro sa bansa last weekend pag may chance. Nakatutok kasi talaga ang mga bagets na napiling maging tagapulot ng bola.
Bukod sa pamumulot ng mga bola sa matches ng mga sikat na manlalaro ng tennis, naging escort din ang anak ni Dyan na si Matthew tuwing magsisimula ang games.
Maraming ibang mga batang nakasama ang anak ng sportscaster sa pamumulot ng bola sa nasabing event sa bansa.
Samantala, parang hindi umepekto ang pagpapapansin ng actress sa mga international tennis player.
Kahit nakipagsiksikan siya at panay ang tawag sa pangalan ng no. 6 World tennis player na si Andy Murray, walang epekto. Ni hindi siya tiningnan ng nasabing tennis superstar nang subukan niyang pumunta sa courtside at makipag-selfie sana. Para kasing ordinary looking na lang si actress nang makigulo sa mga nagpapapirma ng autograph sa mga tennis players like Serena Williams, Maria Sharapova, Ana Ivanovic, Daniela Hantuchova, Tomas Berdych, Mark Philippoussis at iba pang tennis superstar.
May pagka-feelingera rin naman kasi ang actress na ito na ang tsismis naman noon ay pabaya sa ama.
Jennylyn ‘di pa rin kaya ma-in love
Sa kama pala agad nag-bonding sina Derek Ramsay and Jennylyn Mercado. Yup literal na sa kama dahil tinawag ni Jennylyn ang actor sa kanilang first shooting day eh sa kama nakaupo ang Kapuso actress. Pinagbigyan naman daw agad ni Derek ang request ng ka-partner sa pelikulang English Only, Please.
Pero wala namang malisya dahil santambak naman ang mga tao sa kanilang paligid bilang first shooting day nga nila ‘yun ng pinagsamahan nilang pelikula na isa sa mga kasali sa gaganaping 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF), nagtsikahan lang sila.
Kaya naman after that encounter, nabura na kung anuman sana ang kanilang ilangan.
Pareho sanang single ang dalawa. Pero ayon kay Jennylyn marami pa siyang iniisip ngayon at marami pang kailangang gawin kaya hindi pa niya plano na magka-boyfriend.
Ang English Only, Please ang nag-iisang kilig movie sa MMFF. The movie is directed by Dan Villegas for Quantum Films.