MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng Kapaskuhan, may inihanda ng bagong panoorin ang Star City para sa mga bibisita sa pinakabantog na amusement park sa bansa.
Tiyak manlalaki ang mata ng mga bata ‘pag nakita nilang ang kanilang mga paboritong karakter sa mga storybooks na nabuhay ng napakalaki. Isang higanteng manika, malaking kahon ng krayola, radio, at teddy bear ang tatambad agad sa kanilang paningin at magbibigay-daan sa iba pang mga makulay na display sa loob.
Sa Snow World naman, mga ice carving ng iba’t ibang uri ng hayop na matatagpuan sa North Pole ang kagigiliwan ng mga papasok upang makatikim ng tunay na snow at magpadulas sa pinakamahabang ice slide sa Asia.
Sikat na sikat din ang mga thrill rides tulad ng Star Flyer bukod sa pinakamataas na ferris wheel sa buong bansa, na nagbigay kulay sa kapatagan ng Manila Bay. Ang Wacky Worm, Blizzard, Viking Ship, Jungle Splash, Telekombat, at Bump Cars ay nanatiling paborito ng bata’t matanda, bukod sa mga hilig puntahan tulad ng Pirate Adventure, Magic Forest, at Dungeon. Ang Lazer Blaster naman ay isang tag arena na kinagigiliwan ng mga pamilya at magbabarkada.
Ang Star City ay bukas mula alas-kuwatro ng hapon Lunes hanggang Huwebes, at mula alas-dos ng hapon mula Biyernes hanggang Linggo. P65 ang karaniwang entrance tiket, subalit maaring kumuha ng Ride-All-You-Can access sa halagang P420. Mayroon ding special promo na kung tawagi’y Three Cheers, para doon sa gustong pumili ng tatlong sasakyan lamang.
Para sa higit na kaalaman, tumawag sa 832-3249 at 833.4484.
Dating working student at empleyado yumaman sa negosyong nail salon at spa
Nakapagtapos ng kolehiyo si AJ Opeña bilang isang working student at kalauna’y nagtrabaho sa isang kumpanya. Ngunit hindi siya nakuntento sa pagiging empleyado kaya’t kinumbinsi niya ang kanyang mister na sumugal sa pagnenegosyo.
Ngayon, si AJ na ang may-ari ng Nails.Glow na mayroong 34 branches makalipas lamang ang limang taon. Para kay AJ, hindi dapat nakakabutas ng bulsa ang pagpapaganda, kaya naman ginawa niyang affordable ang kanilang mga serbisyo tulad ng foot and hand care, nail art, massage, at facial spa.
Tunghayan ang kanyang kwento ng pag-asenso ngayong Miyerkules (Dec 3) sa My Puhunan kasama ang batikang mamamahayag na si Karen Davila na isasalaysay ang lahat ng pinagdaanan ni AJ bago maabot ang tagumpay.
Sa pagpasok naman ng Disyembre, mga kwentong Kapaskuhan ang itatampok ni Doris Bigornia ngyon (Dec 2) sa Mutya ng Masa, kung saan lilibutin niya ang night market sa Divisoria para mag-Christmas shopping at dadayo sa Tarlac upang masaksihan ang “Belenismo,” isang sikat na taunang Belen-making contest.
Tutukan ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Dec 3), at ang Mutya ng Masa ngayon (Dec 2), 4:30PM sa ABS-CBN.