Naging isang malaking tagumpay ang ginanap na 2nd Gintong Palad Awards Night sa kabila ng matinding trapik dahil dinaluhan ito ng malalaking personalidad mula sa iba’t ibang sector ng lipunan.
Dumating sina Fr. Joey Faller ng Kamay ni Hesus Foundation, Boots Anson Roa (Institution); Dr. James Dy ng Chinese General Hospital na pinarangalan for Hospital Management and Humanitarian Service, Al Pedroche na kumatawan kay Miguel Belmonte, Wilson Tieng (Business); Congressman Alfred Vargas, PAO Chief Persida Acosta (Government); Arnold Clavio, Tulfo Brothers (Broadcasting); Ricky Reyes, Angel Locsin, Robin Padilla, at ER Ejercito (Entertainment).
Nagkagulo ang mga bisita sa Ilustrado Intramuros sa pagdalo nina Angel at Robin na nakasuot pa ng costume na pang-Bonifacio movie. Ang dalawa ay pinarangalan dahil sa kanilang adbokasya na makatulong sa kapwa. Si Angel ay ambassador ng Red Cross na tumutulong kapag may kalamidad sa bansa. Si Robin ay nagkaroon ng anti-malaria campaign noon pang 2004 sa pakikipag-ugnayan sa Dept of Health’s Movement Against Malaria at nagtayo ng preschool para sa Muslim children sa Quezon City noong 2007 at tumutulong sa mga mahihirap at maaasahan sa pagkakasakit ng mga press people.
Kahit isa nang Muslim, Robin idol ng Katolikong pari
Nagsasalita si Fr. Joey Faller ng kanyang acceptance speech nang makitang nakatayo si Robin sa isang tabi habang nakikinig sa kanya. Kaagad niya itong binati at sinabihan ng ‘‘Idol ko si Robin.’’
Maraming nagmano kay Father at nagpahawak ng ulo. May isa pang buntis na bisita ang nagpahipo ng tiyan. Si Fr. Faller ang founder ng Kamay ni Hesus Foundation na isang Catholic healing ministry sa Lucban, Quezon.
Direk Louie pinabongga ang Gintong Palad Awards
Nagpapasalamat ang Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) kay Direk Louie Ignacio dahil sa maganda at bonggang presentation ng 2nd Gintong Palad Public Service Awards. Kumuha pa ito ng writer at floor director at pinaganda ang venue ng awards night. Isa si Direk Louie sa pinakamahusay sa director sa kasalukuyan