Kamakailan ay nilooban ang bahay ni Meg Imperial sa Rizal. Nakaramdam ng takot ang aktres at ang buong pamilya dahil sa pangyayaring ito. “Last week pinasok ng magnanakaw ang bahay namin. Two consecutive days, Sunday and Monday. At first hindi namin napansin, akala namin naiwan lang na naka-open ang gate tapos the following day bumalik siya, ‘yung bag naman ng mom ko ang nawala. Naiwan niya ang bag sa area ng kapitbahay namin, tinangay ang pera at identification cards,” kuwento ni Meg.
May kutob daw ang aktres na kakilala rin nila ang taong nagnakaw sa kanilang bahay. “Nakakatakot, kasi parang kabisado na niya ang bahay namin at mga tao doon. Parang naobserbahan na kami nang matagal. Nakakagulat kasi maaga siya pumasok, mga 11 p.m. ng gabi siguro. Kaya mom ko lang ang nakuhanan niya ng gamit. Kasi ang mom ko madalas sa sala natutulog kaya ‘yung bag ng mom ko ang nakita,” dagdag pa ni Meg.
Doble na raw ang pag-iingat na ginagawa ngayon ng buong pamilya ni Meg upang hindi na maulit ang nangyari. “Nagpalit na kami ng mga lock sa bahay. Ngayon, lagi nasa bahay ang mga tito ko. Mas marami nang bantay para sila na ang kasama namin at sana huwag na po maulit,” pagbabahagi ng aktres.
Samantala, dadalhin daw ni Meg ang kanyang pamilya sa Baguio upang doon ipagdiwang ang Kapaskuhan. “Para ma-relax naman ako, kasi medyo stressed kami the past days sa mga nangyayari sa amin,” pagtatapos ni Meg.
Isabelle interesado sa mga guwapong leading man ng Kapamilya
Hindi na raw nagpapaapekto si Isabelle Daza sa kanyang haters sa social media. Normal na lamang daw para sa aktres ang mga ganitong pangyayari. “Last time I posted something about thanksgiving. Parang ang daming nagalit na nagsi-celebrate ako ng thanksgiving. Parang wala naman daw tayong thanksgiving dito sa Philippines, bakit, I just wanna eat Turkey,” nakangiting pahayag ni Isabelle.
Samantala, marami ang nagulat sa ginawang paglipat ng dalaga sa Kapamilya network kamakailan maging ang kanyang mga kasamahan sa dating programa. “I didn’t have a contract but I was there regularly for four years. I asked my co-workers that I was being offered by ABS and I was asking ‘What do you think?’ Kasi siyempre kumportable na ako rito sa other network, sa Eat Bulaga, and everyday may trabaho ako and siyempre they are like family to me. So, sobrang hirap talaga ng desisyon to move,” paliwanag ni Isabelle.
Isa sa mga dahilan daw ng paglipat ng aktres sa ABS-CBN ay ang oportunidad na makatrabaho ang ilan sa pinakasikat na leading men sa showbiz industry. “Siyempre ang daming guwapong leading men here who are also taller than me. Siyempre that’s what I need. ‘Yun maraming leading men here na I want to work with,” pagtatapat ni Isabelle. Reports from JAMES C. CANTOS